6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University

6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University

- Kamakailan lang ay pinahayag ng pinakamalaking unibersidad sa Utah ang kanilang ika-7th President

- At ito na nga ay si Dr. Astrid S. Tuminez na isang dugong Filipino dahil dito minabuti namin na mas kilalanin pa ang natatanging Pinay

- Ito ang anim sa mga nakakahangang bagay tungkol sa isa sa ginagalang at nirerespetong babae at Pinay sa mundo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Noong Abril 20, 2018, pinangalanan na ng 'Utah System of Higher Education Board of Regents' ang ating kababayan na si Dr. Astrid S. Tuminez bilang ika-7th President ng Utah Valley University o UVU.

Papalitan ni Dr. Tuminez ang current President na si Matthew Hollands na aalis para magsilbi sa isang LDS mission sa North Carolina, ayon sa balita na nakuha namin sa Herald Extra.

Dahil dito sa KAMI, sinusuportahan namin ang bawat tagumpay ng Pinoy o kahit sinong tao na nagbibigay inspirasyon sa iba kaya minabuti namin na mas bigyang pansin ang kwento ng buhay at ang mga bagay na lalong pamangha sa inyo kay Dr. Astrid S. Tuminez.

6. Mahilig siyang tumakbo

Nanatiling aktibo siya physically sa labas ng mundo ng negosyo.

Ayon pa sa source media outlet, tumatakbo si Tuminez ng mga marathons at half-maratons sa free time niya.

5. Siya ay isang malakas na babae at isang magaling na modelo na babae at tao.

Si Dr. Tuminez ay first-generation college student o kauna-unahan sa magkakapatid na nakapag kolehiyo sa ilalim ng teenager na kapatid na babae sa Pilipinas.

At lumipat sa Amerika noong 18 years old siya para makapag-aral.

Kumuha siya ng Bachelor's degree sa Brigham Young University (BYU) at Master's degree sa Harvard University.

Nakuha naman niya ang kanyang Doctoral degree o Ph.D. sa Massachusetts Institute of Technology.

Sa isang piece na sinulat niya noong 2016 para sa NewsDeeply sa Women and Girls, saad niya:

"There has been a lot of research on the positive impact of education on girls and women. Speaking personally, education really is the great equalizer. If you grow up underprivileged, education offers you the chance to discover an entire world. You might live in a village or under a bridge in Manila and know nothing about anything, but education can set your mind free. Any time you open up a mind, you’re opening up possibilities."

4. Nakakapagsalita siya ng maraming wika

Dahil na rin sa lawak at laki ng kanyang karanasan sa pagtatrabaho kasama na ang malawak na international work niya ay marami siyang wikang kayang gamitin.

Ayon pa sa balita, nakakapagsalita siya ng at least limang wika, at ito ay ang Filipino, Tagalog, Ilongo, Russian, French, at ayon pa sa artikulos, "a working knowledge of Spanish.

3. Nagbigay na siya ng isang TED talk.

Nakagawa na siya ng TED talk sa Chiang Mai, Thailand noong 2016, at dito ay inaddressed niya ang mga babae sa Asya.

Nilarawan niya ang pangangailangan ng mga babae na maging empowered mula sa kanyan sariling karanasan at mga tagumpay ng ilang mga babae.

Kinilala niya ang importansya ng edukasyon, "access to affordable, quality childcare and elder care," at teknolohiya na mga susi sa pag-i-empower sa mga kababaihan.

2. Ang kanyang resume na isinumite ay one-third lamang sa haba kumpara sa tatlo pang finalists.

Nagsumite ng kani-kanilang mga resumes ang apat na finalists para sa position ng pagiging bagong pangulo sa unibersidad.

Ito ay parte ng kanilang applications at public vetting.

Subalit, kung gaano kahaba ang resumes ng tatlong finalists na umabot ng 15 pages long, ang kay Dr. Tuminez ay 5 pages lang.

1. Ang kaisa-isang babae sa apat na finalists na puro lalaki, at ang kauna-unahang Asyano, Filipino, at babae na naging presidente sa pinakamalaking public university sa Utah.

Una na naming binalita ang pagkahalal ni Dr. Astrid S. Tuminez bilang bagong pangulo ng UVU.

Did you miss our tricky questions? Check them out again in the video below and find out what questions you know, and get into the fun of our kababayans hilarious answers to these questions!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
In the height of network transfer, Regine Velasquez bravely discloses the ‘number one’ TV station

In the height of network transfer, Regine Velasquez bravely discloses the ‘number one’ TV station

In the height of network transfer, Regine Velasquez bravely discloses the ‘number one’ TV station
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel