Umalma ang Aussie basketball player na si Thon Maker sa FIBA ban

Umalma ang Aussie basketball player na si Thon Maker sa FIBA ban

- Hindi sumang-ayon ang isa sa mga Aussie players na sinuspinde ng FIBA kamakailan lang resulta ng Gilas Pilipinas-Australia brawl

- Ito ay ang NBA player na si Thon Maker na suspended ng tatlong laro dahil sa nasabing gulo sa basketball court para sa World Cup qualifying game

- Ang resulta ay lumabas ilang araw pagkatapos ang magulong "free-for-all" sa pagitan ng dalawang koponan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa balita na dala ng Rappler, ang center ng Australia team na si Thon Maker ay hindi sang-ayon sa desisyon ng world governing body ng basketball ang FIBA.

At ito ay ang pagpataw sa kanya ng tatlong larong suspension dahil sa pagka-involved sa nasabing "ugly brawl" na sumabog sa pagitan ng koponan sa Pilipinas at Australia sa World Cup qualifying game noong July 2, 2018.

Ang nasabing NBA player na Aussie team center ay hindi sang-ayon sa desisyon na inabot noong Huwebes, July 19, ayon sa balita na nakuha ng KAMI.

Saad niya ay sinubukan lamang niya na itigil ang away sa dalawang koponan.

Ayon pa kay Maker na kailangan niya daw na kumilos para protektahan ang kaniyang mga teammates sa "imminent harm" o napipintong pinsala.

Ito na rin daw ay dahil sa walang security kaya naging napakadelikado na sitwasyon ang nangyari.

Sa nasabing gulo, sinuntok daw si Maker sa likuran sa ulo ni Gilas' Terrence Romeo kaya naman daw ay gumanti ang Milwaukee Bucks player ng isang "flying kick" na naiwasan naman ni Romeo.

Nakita din daw si Maker na sinipa ang Gilas naturalized player na si Andray Blatche sa tinatawang na "free-for-all" na talaga namang pinag-uusapan sa buong mundo.

Kaya naman nasuspinde ang 13 players na involved sa nasabing "ugly brawl" na kamakailan lang ay binalita namin dito.

Tingnan ang opisyal na pahayag ni Maker sa isang Twitter post niya:

How would you react if you hear someone farted or talking about funny stuff while on the phone? Watch the video below and get amused by how people reacted to our social experiment!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Kalurkey! Nate Alcasid, natuklasan sa internet na kinasal ang daddy sa ninang Michelle niya

Kalurkey! Nate Alcasid, natuklasan sa internet na kinasal ang daddy sa ninang Michelle niya

Kalurkey! Nate Alcasid, natuklasan sa internet na kinasal ang daddy sa ninang Michelle niya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel