Di na nakatiis! Hashtaggs member Jon Lucas, inaming ikinasal na siya at may anak na

Di na nakatiis! Hashtaggs member Jon Lucas, inaming ikinasal na siya at may anak na

- Kinumpirma na ni Jon Lucas, isang miyembro ng male dancers na Hashtags ang balitang may anak na siya

- Inamin niya rin na kinasal na rin siya sa ina ng kanyang anak

- Gusto na daw kasi magpakatotoo ni Jon kaya niya napagpasiyahang aminin ang balita

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa wakas ay kinumpirma na ni Hashtags member Jon Lucas ang maugon na balitang may anak na siya at ikinasal na rin sa ina ng kanilang anak.

Sa isang panayam sa PEP, inamin niyang nakabuntis siya at iyon ang naging dahilan ng kanyang pagkakasuspinde sa It's Showtime.

“Ayaw ko na magpakapeke dahil alam ko naman kung anuman yung magma-matter sa huli ay yung paninindigan ko at ang pagiging totoo. Yun, totoo, meron... Yun nga yung pumalit sa lungkot na naranasan ko sa nanay ko.”

Matatandaang sa isang ulat ng KAMI, namatay ang ina ni Jon noong September ng 2017.

“Nagkaroon ako ng kaligayahan, ayun, meron na akong baby—baby boy. Ayun nga, eight months na siya."

Nawala man daw siya sa noontime show, totoong masaya siya dahil nasubaybayan at naalagaan niya ang kanyang anak. Nais din daw niyang magampanan ang kanyang pagiging ama ng maayos.

Gayundin si Bugoy Carino na hindi na rin napapanuod sa It's Showtime, napabalitang nakabuntis sa edad na 15.

Nasuspinde man daw, itinuturing ni Jon na blessing ang pagdating ng kanyang anak.

“Kung sa iba, liability siya, para sa akin, sobrang blessing siya. Kasi totoo, kahit na hindi ako magkakaroon ng trabaho sa ngayon, yung paglabas pa lang niya, yun na yung pinakamalaking blessing na natanggap ko last year. Yun na yung pinakamahalagang nakuha ko siguro.”

Inamin na rin nito na totoong ikinasal na siya.

“Sige ano... totoo. Totoo. Ayoko na talaga magpakapeke. Alam ko na makikita ito ng mga fans ko, ng mga supporters ko, alam ko lahat ito ay mapapanood at mababasa nila.

Handa na rin siya sa magiging kalalabasan ng kanyang pag-amin.

“Pero ang pinakagusto ko lang, ang alam ko naman hanggang sa huli, yung mga fans ko, mag-i-stay talaga iyan. Higit na mag-i-stay sa akin ay yung family ko hanggang sa huli. So, yun, gusto ko na silang panindigan. Yeah."

Makeup For A Gym: Stay Awesome While Working Out | on BeKami

A certified makeup artist of MAC Philippines will create several new looks for our amazing coach Crystalle.

Do you want to learn everything about workout makeup? Click “Play” and enjoy the video!

Source: Kami.com.ph

Related news
Kalurkey! Nate Alcasid, natuklasan sa internet na kinasal ang daddy sa ninang Michelle niya

Kalurkey! Nate Alcasid, natuklasan sa internet na kinasal ang daddy sa ninang Michelle niya

Kalurkey! Nate Alcasid, natuklasan sa internet na kinasal ang daddy sa ninang Michelle niya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel