UST student nag-viral pagkatapos isiniwalat ang pang-aabusong natatanggap sa boyfriend na kapwa niyang estudyante

UST student nag-viral pagkatapos isiniwalat ang pang-aabusong natatanggap sa boyfriend na kapwa niyang estudyante

- Isang UST student ang nag-viral ngayon pagkatapos niyang ibinunyag sa social media ang mga abusong natanggap galing sa boyfriend

- Ilang beses nang sinaktan ng boyfriend ang dalaga pero patuloy pa rin itong kumakapit sa kanilang relasyon

- Hanggang isang araw, di na nakayanan ang mga pasang inabot niya sa panggugulpi ng boyfriend

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang UST student ang nag-viral ngayon matapos niyang ibinunyag sa social media ang pang-aabusong natatamo niya sa kanyang boyfriend.

Nalaman ng KAMI na siya si Diane Kimberly Arcena, isang Biology student sa prestihiyosong University of Sto. Tomas.

Sa Twitter inihayag ni Kimberly ang diumano'y pang-aabuso na ginagawa ng kanyang boyfriend sa kanya.

UST student nag-viral pagkatapos isiniwalat ang pang-aabusong natatanggap sa boyfriend na kapwa niyang estudyante
UST student nag-viral pagkatapos isiniwalat ang pang-aabusong natatanggap sa boyfriend na kapwa niyang estudyante (photo: philnews)

Bagamat hindi pinangalanan ng dalaga ang boyfriend sa posts niya, natukoy naman ito ng mga netizens.

Sabi nila si Kyle Viray daw ito. Si Kimberly at Kyle daw ay kapwa Biology students sa UST.

Ayon sa PhilNews report, napansin niyang unti-unting nagbago si Kyle, at nagagalit sa kahit maliit na bagay.

Ang unang pagkakataon na nasaktan siya nito ay nang magpaalam si Kimberly na sasama sa kaibigan at iinom.

Noong una, hindi pa raw halata ang mga pasa niya, pero habang tumatagal, lumalala nang lumalala ang pambubugbog.

Sa pinakahuling insidente, dito na di nakayanan ni Kimberly ang pang-aabuso at pinost na niya ang nangyari.

"THIS WAS THE LAST AND THE WORST. I suffered from severe hematoma all over my head and body. My head was all tender from all the bruising, it was so bad i couldn’t so much as touch it for days. I also had a chest trauma, my ribs were bruised and I had trouble breathing for weeks," said Kimberly.

Sinabi na rin ni Kimberly na apat na beses na siyang sinaktan nito mula December 2017. Marso ang pinakahuli.

Inimbestigahan din ng Student Welfare and Development Committee ng UST ang mga insidente at nakita nilang guilty si Kyle.

Kaya lang ito'y dineny ni Kyle at sinabing ang mga pasang pinapakita daw ni Kimberly ay bunga ng matinding pakikipagtalik.

Bilang parusa, nirequire ng SWDC na mag-render ng 250 hours na community service at di siya makakaattend ng graduation ceremony.

Nag-file na rin ng formal complaint si Kimberly sa prosecutor's office laban sa dating nobyo.

Street Vox Pop - Asking women what kind of male boy they prefer? on Kami YouTube channel This video simply shows the surprising preference of women when it comes to the type of man that they prefer, or rather, want.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel