Top 5 pinaka-nakakaintrigang secret KAMI confessions ngayong linggo

Top 5 pinaka-nakakaintrigang secret KAMI confessions ngayong linggo

Parte ng aming mga tagasubaybay ay mga ordinaryong mga Pilipino na dumadaan sa hirap ng agos ng buhay at naiipit sa tukso na alam na mali ngunit hindi alam kung ano ang gagawin.

Mayroong iba naman na napagtanto na totoo nga, nasa huli ang pagsisisi.

Sa linggong ito marami sa ating mga kababayan ang nagpadala ng kani-kanilang istorya, mga kwento ng kanilang buhay.

Kaya ngayon ay babalikan ng KAMI ang tumatak sa puso at isipin ng ating mga readers.

1. "Nasa huli ang pagsisisi"

Tila napatunayan ng isang padre de pamilya na ang pagsisisi ay nasa huli nang tinahak ang maling landas palayo sa kanyang asawa at mga anak.

Ang kwento ng isang mister at ama na piniling bigyan ng oras ang barkada kaysa pamilya.

Nahumaling sa inuman at sugal kasama ang mga barkada hanggang kinalimutan na niya sila.

At isang araw, ang pamilya na tila ayaw na niyang makita dahil sa barkada ay tuluyang nawala dahil sa nakakapanlumong trahedya na sinapit nila sa araw ng kaarawan ng kanyang misis.

Ang barkadang binagyan niya ng oras, atensyon, at pera ay siya ding dahilan na nakapiit siya sa piitan.

Ipinagkanulo siya ng kanyang barkada.

"Barkada na mas pinili kong bigyan ng oras noon para sa pamilya ko. Barkada na mas pinahalagan ko kesa sa mga anak ko. Barkada na mas pinakisamahan ko kesa sa asawa ko.."

2. Sentimento ng OFW

Ang kwento ng isang OFW na napahikbi sa kanyang pinagdadaanang hirap sa paninilbhan ng mga dayuhan sa ibang bansa.

Napagtanto na tila kay sarap isipin dahil nasa ibang bansa siya, at ang buong akala ng iba ay maganda at masagana ang buhay ng kagaya niyang mga Pilipino na nagsisilbahan sa mga dayuhang amo.

Isiniwalat ang hirap, sakit, at pagtitiis na kailangang daan para lang kumita at itulong sa pamilya.

3. Bawal na pag-ibig

Isang misis ang umibig sa ibang lalaki.

Tinago ang relasyon ng isang taon, at dahil sa hindi na umano dumadalaw ang lalaki masyado gusto na niyang makipaghiwalay.

Alam naman niya na mali daw ito pero hindi daw pumayag ang lalaki.

Ngayon, humihingi ng payo sa ating mga ka-KAMI kung ano ang kanyang dapat gawin.

Tanong: Kung alam mong mali, ano ang dapat mong gawin?

4. Nakaraang pag-ibig na pilit bumabalik

Isang asawa at ina ng tatlong anak na binalikan ng nakaraang pag-ibig.

Ngunit, gaya niya ay may asawa at mga anak din ang lalaki.

Kaya nagmiminsahe pa rin sya sa kaniya pero bilang kaibigan dahil ayon pa sa kanya:

"Nararapat na lang sa amin ay maging mabuting magkaibigan."

5. Hinaing ng isang OFW

Isang OFW naman ang nagpalabas ng kanyang sama ng loob at saloobin sa mga tao na akala ay dahil nasa abroad ay maraming pera na.

Kaya uutang na lang at pagnaka-utang ay kinakalimutan na lang at pag hindi napautang ay kung ano ano ang sinasabi.

Daing niya:

"Pasensya Hindi po kame Namumulot lang ng pera dito sa ibang bansa. Kaya kame andito para mag trabho para sa pamilya at mga anak namin."

Alin sa secret confessions ng ating mga ka-KAMI ang tumagos sa inyong puso?

How would you react if you hear someone farted or talking about funny stuff while on the phone? Watch the video below and get amused by how people reacted to our social experiment!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Kalurkey! Nate Alcasid, natuklasan sa internet na kinasal ang daddy sa ninang Michelle niya

Kalurkey! Nate Alcasid, natuklasan sa internet na kinasal ang daddy sa ninang Michelle niya

Kalurkey! Nate Alcasid, natuklasan sa internet na kinasal ang daddy sa ninang Michelle niya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel