Rarampa na! Dalawang Pinay ang kasali sa Asia's Next Top Model Cycle 6

Rarampa na! Dalawang Pinay ang kasali sa Asia's Next Top Model Cycle 6

- Opisyal na inanunsyo ng Asia's Next Top Model (AsNTM) kahapon, July 19, Huwebes ang 14 contestants sa kanilang Cycle 6

- Labing-apat na mga modelo ang maglalaban sa nasabing patimpalak pero isa lang ang mananalo ng titulo

- Dalawa sa mga contestants na pinakilala ay ang mga Pinay na sina Adela Marshall at Jach Manere

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinakilala na nga ng Asia's Next Top Model Cycle 6 ang labing-apat na kalahok sa kanilang prestihiyosong patimpalak sa pagiging top model dito sa Asya.

Ito ay ginawa nila sa kanilang opisyal na Facebook page na una naming naispatan namin sa MSN na galing naman sa Coconuts website.

Sa nasabing post ay nakita ng KAMI ang caption na:

"MODEL REVEAL. Meet the official contestants of Asia's Next Top Model Cycle 6."

At mga litrato ng 14 contenstants vying for the coveted title.

Dito ay nareveal din na dalawang Pinay ang magrerepresent ng ating bansa sa naturang contest.

Sina Adela Marshall na nilalarawan sa caption bilang "MODEL 4 - Innocent but Determined," at si Jach Manere, ang "MODEL 1 - Quirky, Carefree and a Perfectionist."

Ayon pa sa balita, ang dalawang Philippines representatives ay mga professional models dito sa bansa.

Hindi naman masyadong nagbigay ng maraming impormasyon ang Facebook page ng Asia's Next Top Model, ngunit "taglines" lang ng mga contestants.

Sa unang tingin pa lang masasabi na ang dalawang Pinay ay may iba't ibang karakter na kaabang-abang sa nasabing show.

Dagdag pa sa ulat, si Marshall daw ay 20 years old at si Manere ay 21 yeras old.

Ang ibang mga contestants ay galing sa bansang Indonesia, Malaysia, Thailand, Singapore, Vietnam, Japan, Taiwan, Myanmar, at Hong Kong.

Ang titulo sa last cycle ay inuwi ng ating Philippines' representative Maureen Wroblewitz.

Siya ang kauna-unahang Pinay na nanalo sa nasabing competition.

Mapapanood ang program sa Fox Life, ang rebranded na Star World, kung saan ang una sa limang cycles ay pinalabas.

Learn the best way to look good while you’re in the gym with our makeup for gym experts below.

Check out more exciting and fun tips and tricks on some beauty regimen and makeup tutorial videos among others by clicking here- BeKami YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Nakakatawang video ni Scarlet Snow Belo habang nagta-Tagalog at Bisaya, nag-viral sa social media

Nakakatawang video ni Scarlet Snow Belo habang nagta-Tagalog at Bisaya, nag-viral sa social media

Nakakatawang video ni Scarlet Snow Belo habang nagta-Tagalog at Bisaya, nag-viral sa social media
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel