Larawan ng batang basang basa sa ulan, agaw pansin ngayon sa socmed

Larawan ng batang basang basa sa ulan, agaw pansin ngayon sa socmed

- Maraming netizens ngayon ang nag-iingay sa social media dahil sa pagsususpinde ng klase sa panahon ng tag-ulan

- Halos umabot na sa isang linggo ang sama ng panahon ng bansa at araw-araw mula noon , nakaabang ang mga estudyante at magulang sa suspensyon ng klase

- Isa ang Makati City na huling magsuspinde ng klase kaya naman madalas mabatikos ang kanilang alkalde ukol dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kumakalat ngayon sa social media partikular sa Facebook ang larawan ng isang batang babae na naka-uniporme, nakaupo sa waiting shed, basang basa at tila naghihintay na tumigil ang malakas na buhos ng ulan.

Ayon sa post ng netizen na si Lee Canete, kahit pa nasa panahon na tayo na tumataas na ang antas ng teknolohiya, may ilang mga lugar parin na tila nagbubulag-bulagan daw sa pagsususpinde ng klase at di na naiisip ang kapakanan ng mga mag-aaaral.

Nalaman ng KAMI na bagaman di sinabi ang lokasyon ng bata, sadyang napapanahon ito ngayon at marami-rami na ang nambabatikos sa mga alkalde ng kani-kanilang lugar dahil manhid daw ang mga ito, na kahit nakuha nang magsuspinde sa ibang karatig lugar ay nananatili pa ring "may pasok" sa kanila.

Larawan ng batang basang basa ulan, agaw pansin ngayon sa socmed
image: lee canete/facebook

Gaya na lamang ng naunang report ng KAMI kung saan sinabi ng Mayor ng Makati na si Abby Binay na di na niya palalampasin ang mga tila ay 'nambabastos' at 'nananakot' raw sa kanya sa socmed dahil lamang sa di pagsuspinde agad ng klase. Ipapaubaya na raw niya sa NBI ang mga 'Makatizen' na nbinantaan na siyang 'ipapa-sniper' sa flag ceremony dahil sa wala raw itong konsiderasyon sa mga mag-aaral sa nasabing lungsod.

Samantala, ayon pa sa post ni Lee, palibhasa raw kasi at ang mga anak ng Mayor at mga taga-DepEd at iba pang opisyales ng gobyerno at 'de-kotse' at di alintana ang biyahe papasok sa paaralan.

May ilang netizens ang sumang-ayon kay Lee at narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Very well said po,kgigil lang,kwawa Jan Ang mga batang pmsok n bsang BSA wag LNG mamarkahan ng paliban sa klase"

"Minsan ang problema nasa City mayor din tulad sa aming lugar ang pasay nag declaired nA ang paranaque di pa bahain din lugar na yon

"Dios ko kawawa na man"

"Narasan korin Yan gawa nang kahirapan pero diko naman naisisi sa pamahalaan dahil Wala namang ibang susundo kundi ang hintayin tumila Ang ulan..."

Gayunpaman, doble ingat na lamang sa ating mga mamamayan lalo na sa panahon ngayon na tumatagal na ang sama ng panahon.

This awkward phone call leaves a bunch of strangers from the Philippines shocked and surprised. Are you interested to find out what the phone call is about? Awkward Phone Call Public Prank: The Funniest Reactions Ever | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Hot: