Akala raw nanay! Ahron Villena, inaming napagkamalang nanay raw niya noon si Kakai Bautista

Akala raw nanay! Ahron Villena, inaming napagkamalang nanay raw niya noon si Kakai Bautista

- Birong sagot ng Kapamilya actor na si Ahron Villena na minsan na raw napagkamalang nanay niya si Kakai Bautista noon sa Japan

- Muling nagsama ang dalawa sa pagtatambal nila sa upcoming movie Harry & Patty (A Beginning of a not so beautiful love story) na ipalalabas sa August 1

- Nang tanungin ang aktor kung may posibilidad na maging sila ay sinagot nang, "Hindi ko alam!"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ikinuwento ni Ahron Villena na minsan na raw napagkamalang nanay niya si Kakai Bautista, noon sa isang tour sa Japan.

Katambal ngayon ni Ahron ang tinaguriang Dental Diva na si Kakai Bautista sa upcoming movie nila na Harry & Pati (A Beggining of a Not so Beautiful Love Story), ipalalabas sa August 1.

Nalaman ng KAMI na noon pala'y napagkamalang nanay raw ni Ahron si Kakai ng isang Japanese immigration officer. Aniya, doon na raw nagsimula ang kanilang pagiging close sa isa't isa.

"Dun talaga nag-start and from there, yung friendship namin, tumagal nang tumagal."

Ngunit kasunod daw nito ay nagsimula nang pumutok ang isye bunsod nang pakikisawsaw ng ibang tao sa kanilang malalim na pagkakaibigan, ayon sa report ng Pep.ph.

"Hanggang sa dumating sa point na yung mga taong malisyoso, yung mga taong iba ang iniisip, nagkaroon kami ng gap."

Makaraan ang kanilang press conference para sa pelikulang Harry & Patty, tinanong ang aktor kung nakikita ba nila ang pelikula na maaaring nangyari na rin sa pagitan nilang dalawa. Inilahad ng aktor na, "Actually po talaga, ang hirap po kasing mag-ano, marami po talagang tao na; si Kakai po kasi, sobrang naging close kami niyan."

Sa nakaraang report ng KAMI, nagdetalye pa ang actor sa nasabing press-con ukol sa 'di nila pagkakaunawaan ng Dental Diva.

Sinabi rin ng aktor na nagkaroon lang daw ng malisya dahil sa mga taong nakisawsaw, pero sa pagitan ng dalawa ay wala raw malisya.

"'Yung ibang tao. Yung mga sumawsaw na.Tapos, may mga pictures kami sa Instagram, mga unplanned na parang, 'O tara, picture tayong dalawa.' Tapos yung mga tao ang nagbibigay ng meaning."

Iginiit pa ng aktor na hindi raw niya sigurado kung ano angmaaaring patunguhan ng kanilang pagbabalik-magkaibigan matapos ng lahat ng isyung ipinukol sa kanila ni Kakai.

"Pero we are really good friends talaga."

Tunay na mabait nga raw ang aktres at singing sensation dahil isa raw sa mga nagustuhan ng aktor sa kanya ay ang magandang tinig.

"At isa sa gusto ko sa kanya, yung boses niya. Sabi ko nga, 'yung iba baka akala komedyante lang siya. Pero kapag kumanta si Kakai Bautista, pipikit na lang ang kinakantahan. Parang, 'wow, ang ganda ng boses nito!"

Ayon pa kay Ahron, hindi na daw siya tumitingin sa panlabas na anyo pagdating sa pagpili ng mamahalin sa buhay.

"Well, to be honest po, ako, hindi ako tumitingin sa panloob o panlabas na kaanyuan."

"As long as nakikita ko na may mabuting puso ang tao. Mahirap kasi, sasabihan na naman na hayan, nagsalita na naman si Ahron ng ganyan, pa-fall na naman. Hindi, e.

Pero ako, naniniwala na ang love naman, hindi mo naman mahahanap kung maganda ka, kung hindi. Basta nakikita mo na yung taong kaharap mo at kasama mo, e, mabuti sa iyo, marunong makiharap."

Aniya, "Mahirap pong magsalita nang tapos," kung talaga ngang sila ang para sa isa't isa sa hinaharap.

"Basta right now, nag-e-enjoy ako na after what happened sa amin two years ago, naging okey kami. Hindi planado, unang-una.

Masaya kami, lumalabas kami, kumbaga, nag-start kaming lahat na ganito, I’ll never know."

Have you missed our Tricky Questions? Today Filipinos will answer the new set of really tricky questions our team has prepared. So… What about you? Are you smarter than these people we’ve met in the streets of the Philippines? – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
In the height of network transfer, Regine Velasquez bravely discloses the ‘number one’ TV station

In the height of network transfer, Regine Velasquez bravely discloses the ‘number one’ TV station

In the height of network transfer, Regine Velasquez bravely discloses the ‘number one’ TV station
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel