Netizen tila na 'Walwal' ng matinding leksyon sa sobrang pag-iinom

Netizen tila na 'Walwal' ng matinding leksyon sa sobrang pag-iinom

- Sabi ng ibang kabataan ngayon, 'Walwal' is life pero tila may ibang matinding leksyon na natutunan ang isang netizen na mahilig uminom ng alak

- Binahagi ng netizen na si Jamal Gatdula sa kanyang Facebook page ang kanyang hindi magandang karanasan dahil sa sobrang pag-iinom ng alak

- Ayon pa nga sa kanyang caption, siya ang tipong tao na aakalain mo na mauubusan ng alak dahil halos araw araw dati ay kung saan-saan nagtatagay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

July 12, 3:19 p.m., nagpost ang isang netizen na ang pangalan ay Jamal Gatdula sa kanyang Facebook page ng isang matinding leksyon dahil sa sobrang 'Walwal.'

Ibinihagi niya, na dahil sa sobrang pag-iinom na aakalain mo ay mauubusan ng alak ay halos araw araw daw siya tumatagay.

Ngayon, ibinabahagi ito ng KAMI dahil sa magandang aral na makukuha ng lahat ng kabataan ngayon na mahilig mag 'Walwal.'

Sabi pa niya,

"shot dito, shot dun, gimik dito, gimik dun, hanggang hindi gumagapang sige lang, walwal is life eh"

Hindi niya naisip dati na dahil sa sobrang pag-iinom at pagtatagay ay baka mapagod at sumuko na ang kanyang atay hanggang sa doon na nga napunta ang mga pangyayari.

Ngayon, siningil na daw siya ng kanyang atay at na diagnosed umano siya ng "fatty liver," saad niya sa kanyang FB post.

Sa pagpapatuloy niya ay nagbigay siya ng paalala at payo sa kanyang mga kaibigan.

"sa mga friends ko jan na walwal is life, maybe its time to think now, alalay lang mga kuys! "

Dugtong pa niya:

"wag na naten abusuhin masyado katawan naten. Yes, masaya kapag kasama mga friends while drinking pero we should think of our health as well."

Pagtatapos na sabi niya:

"Magsilbing eye opener sana to sa nakakarami! Sabi nga ng mama ko, mahirap magkasakit"

Umani ng mahigit na sampung libong reaksyon, mahigit sa 24 thousand na shares at mahigit na 16k na komento ang kanyang post dahil na din sa importanteng aral na dala nito sa mga kabataan na masyadong mahilig mag 'Walwal.'

How would you react if you hear someone farted or talking about funny stuff while on the phone? Watch the video below and get amused by how people reacted to our social experiment!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, aliw na aliw sa internet memes na introduction daw ng Ms. Universe candidates

Netizens, aliw na aliw sa internet memes na introduction daw ng Ms. Universe candidates

Netizens, aliw na aliw sa internet memes na introduction daw ng Ms. Universe candidates
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel