Pia Wurtzbach, pabor na makasali ang hindi natural-born women o tans women sa prestigious international beauty pageant

Pia Wurtzbach, pabor na makasali ang hindi natural-born women o tans women sa prestigious international beauty pageant

- Walang pagtutol ang Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach sa usapin tungkol sa pagsali ng tans women sa international beauty pageant

- May iba man na hindi sang-ayon dito, magalang naman na inihayag ni Pia ang kanyang opinyon

- Naging malaking usapin ang pagsali ng trans women sa Miss Universe dahil sa pagkakahirang kay Angela Ponce, isang trans woman, bilang Miss Universe Spain 2018

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging mainit ang usapin tungkol sa pagsali ng mga trans women sa mga prestigious international beauty pageant kamakailan lang. Ito ay matapos naging hati ang mga opinyon ng mga beauty queens dito.

Pabor si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na makasali ang hindi natural-born women o tans women sa prestigious international beauty pageant.

"It is allowed in Miss Universe. You can compete, you can win. You don’t have to be a natural-born woman to win Miss Universe," saad ni Pia.

Meron namang iba na hindi sumasang-ayon dito kagaya nina Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina at gayun din ang beauty queen na si Winwyn Marquez.

Ayon kay Maxene, “Kung gusto talaga nilang sumali, may mga pageants naman na for them, na right for them, so let’s just give them an idea na meron naman talagang pageant for them.

“Para naman equal din sa girls, di ba? Siyempre, may mga gusto din tayong i-share, lalo na sa mga women.”

Tungkol naman sa umano'y pagpayag ng Miss Universe Organization dito, “Well, that’s good. I don’t have anything to say, yung president [MUO] na ang nagsabi. So it’s with them.”

Naging malaking usapin ang pagsali ng trans women sa Miss Universe dahil sa pagkakahirang kay Angela Ponce, isang trans woman, bilang Miss Universe Spain 2018.

Makeup For A Gym: Stay Awesome While Working Out | on BeKami

A certified makeup artist of MAC Philippines will create several new looks for our amazing coach Crystalle.

Do you want to learn everything about workout makeup? Click “Play” and enjoy the video!

Source: Kami.com.ph

Related news
Kalurkey! Nate Alcasid, natuklasan sa internet na kinasal ang daddy sa ninang Michelle niya

Kalurkey! Nate Alcasid, natuklasan sa internet na kinasal ang daddy sa ninang Michelle niya

Kalurkey! Nate Alcasid, natuklasan sa internet na kinasal ang daddy sa ninang Michelle niya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel