Walang sama ng loob! Kris Aquino, malaki pa rin ang respeto kay Vice Ganda

Walang sama ng loob! Kris Aquino, malaki pa rin ang respeto kay Vice Ganda

- Naging usap-usapan kamakailan ang pagkakaibigan nina Kris Aquino at Vice Ganda

- Ito ay matapos mapansin ng karamihan na hindi na sila ganun kalapit sa isa't-isa

- Aminado naman si Kris na hindi na sila kagaya ng dati

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging laman ng mga balita at usap-usapan online ang pagkakaibigan nina Kris Aquino at Vice Ganda. Inamin naman ni Kris na naging iba na ang kanilang samahan ng matagal tagal na rin.

Gayun paman wala daw siyang sama ng loob sa komedyante lalo at mahal din daw siya ng anak niyang si Bimby.

“But as much as the ‘spoofing’ has hurt me – I cannot find it in my heart to be angry at my former ‘asawa’ – I have one reason – matagal nang nag-drift apart pero birthday ni Bimb this year, gumawa siya ng paraan para lang personal na tumawag – something Bimb’s own father did not do… Mahal ni Bimb si Vice. Bali-baliktarin natin ang mundo pag minahal na ng anak ko at hindi nakalimot sa anak ko – dedma na kung talikuran ako.”

Ang mahalaga umano sa kanya ay ang kanyang dalawang anak.

“Si [Vice Ganda] mahalin man niya ako o hindi, kaibiganin man niya ako o hindi – dahil hindi niya kinalimutan ang bunso ko – okay na ko.”

Ayon pa sa kanya, na dis-appoint niya si Vice.

“Nagkulang din naman ako – nag-request sila ng special appearance – actually a ‘surprise’ role sa movie niya noong MMFF 2017 – nag NO ako kasi ayaw maipit sa banggaan nila ni Coco [Martin]. I chose to play safe because I was just rebuilding. And I can in all humility accept – na disappoint ko rin siya. So please for my sons – can we just embrace peace?”

Ang tinutukoy niyang pelikula ay “Gandarrapido: The Revenger Squad” kasama sina Daniel Padilla at Pia Wurtzbach.

"Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ng former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

POPULAR: Read more about Kris Aquino here

Makeup For A Gym: Stay Awesome While Working Out | on BeKami

A certified makeup artist of MAC Philippines will create several new looks for our amazing coach Crystalle.

Do you want to learn everything about workout makeup? Click “Play” and enjoy the video!

Source: Kami.com.ph

Related news
In the height of network transfer, Regine Velasquez bravely discloses the ‘number one’ TV station

In the height of network transfer, Regine Velasquez bravely discloses the ‘number one’ TV station

In the height of network transfer, Regine Velasquez bravely discloses the ‘number one’ TV station
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel