Andrea Torres, aminadong nasasaktan sa mga negatibong komento tungkol sa kondisyon ng kanyang kapatid

Andrea Torres, aminadong nasasaktan sa mga negatibong komento tungkol sa kondisyon ng kanyang kapatid

- Talagang masakit para sa isang tao na nasasaktan ang mga taong mahal niya

- Kagaya na lamang kay Andrea Torres na aminadong nasasaktan

- Ito ay tuwing na babash ang kanyang kapatid

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon sa Kapuso aktres na si Andrea Torres ang pinakamasakit para sa kanya ay ang bashing ng mga mahal niya sa buhay, lalong lao na ang kanyang kapatid.

“Kapagka sa kapatid, naaapektuhan ako… minsan dyinu-joke nila yung ganun. Yung mongoloid… hindi ko siya kayang marinig, yung ganun. Lately, parang ang sinasabi nila, abnoy daw yung kapatid ko, iyon yung nao-offend ako…”

Kahit nasasaktan ay mas pinipili niyang huwag sagutin ito.

“Tatagal pa, e, hahaba. Pero na-offend talaga ako, dinamdam ko siya talaga.”

Si Kenneth ang nakababatang kapatid ng aktres na may down syndrome.

Ibinahagi din ni Andrea kung ano ang kanyang ginagawa kapag nakakabasa siya ng masaskit na salita mula sa bashers.

“Pag nag-i-start pa lang na alam kong basher na, dini-delete ko na lang, tapos block.”

Kadalasan ang kanyang mommy at daddy umano ang kanyang hingaan ng sama ng loob.

“Marami na akong iniyakan na comment.”

Madalas din nila siyang paalalahanan at pinapayuhan.

“Ano lang talaga sila, parang more on, ‘Kailangan mong labanan ng prayers and positivity.’ Ganun lang talaga kasi parang, wala e, hindi mo maku-control yung part na yun ng work mo.”

Natutunan na din umano niyang huwag magtanim ng sama ng loob kahit pa bashers ang nakaksakit sa kanya.

“Nasasabi ko naman sa family ko, nailalabas ko naman,” sabi niya at hindi na rin daw niya sinasagot ang mga ito. Lalo na pag wala namang followers, kasi tatagal pa yung usapan. Parang mas gusto ko na lang na kalimutan na lang natin, huwag na lang nating pag-usapan, parang ganun.”

SI Andrea Torres ay isang aktres at product at print ad endorser na isang Kapuso artist.

Makeup For A Gym: Stay Awesome While Working Out | on BeKami

A certified makeup artist of MAC Philippines will create several new looks for our amazing coach Crystalle.

Do you want to learn everything about workout makeup? Click “Play” and enjoy the video!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pak, ganda pa rin! Melissa Ricks shares struggle with weight gain and being a single mom

Pak, ganda pa rin! Melissa Ricks shares struggle with weight gain and being a single mom

Pak, ganda pa rin! Melissa Ricks shares struggle with weight gain and being a single mom
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel