Ginamit ng mga taong mapansamantala! Manny Pacquiao, sinabing hindi totoo na namimigay siya ng premyo

Ginamit ng mga taong mapansamantala! Manny Pacquiao, sinabing hindi totoo na namimigay siya ng premyo

- Nilinaw ni Senator Manny Pacquiao na hindi daw siya namimigay ng premyo kagay ng kumakalat na balita

- May mga tao kasi na gumawa ng fake accounts upang gamitin ang kanyang pangalan

- Ito ay marahil upang makapanloko

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mariing pinabulaanan kahapon ng tanggapan ni Senator Manny Pacquiao ang kumakalat na post sa Facebook na mamimigay umano siya ng sasakyan at house and lot bilang balato.

Ayon kay Rene Casi­bang, media officer ni Pac­quiao, puro peke ang mga accounts na nanga­ngakong magbibigay ng sasakyan at house and lot ang senador.

Nagbabala pa si Casibang kaugnay sa mga fake accounts at wala umanong kinalaman si Pacquiao sa mga nasabing accounts.

“Warning…beware of fake accounts.. Troll account po ito. Wala pong kinalaman ang butihing senador dito. Isa po itong fake. Huwag pong paniwalaan,” babala ni Casibang.

Nakarating sa aking kaalaman na may mga kumakalat na balita sa social media gamit ang mga fake FB accounts sa ilalim ng pangalan ko na ako ay mamimigay ng mga premyo bilang balato dahil sa aking pagkakapanalo. Nais ko pong ipaalam sa lahat na walang katotohanan ang mga ito. Mag-ingat po sa mga scammers at fake news.

Kabilang sa mga sinasabing pekeng accounts sa Facebook ang “Proyektong Libreng Pabahay ni Sen. Manny Pacquiao” na halos 68,000 na ang nag-share.

Ayon sa post, ang mga gustong manalo ng bahay mula sa senador ay dapat lang i-like ang page, i-share ito, at sabihin kung saang lugar sa Pilipinas gustong magkaroon ng bahay.

Makeup For A Gym: Stay Awesome While Working Out | on BeKami

A certified makeup artist of MAC Philippines will create several new looks for our amazing coach Crystalle.

Do you want to learn everything about workout makeup? Click “Play” and enjoy the video!

Source: Kami.com.ph

Related news
12-anyos na naturukan ng Dengvaxia, pumanaw; ika-96 na

12-anyos na naturukan ng Dengvaxia, pumanaw; ika-96 na

12-anyos na naturukan ng Dengvaxia, pumanaw; ika-96 na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel