Larawan ng lalaking nasiraan pa daw ng bisikleta sa kasagsagan ng bagyo, agaw eksena sa socmed

Larawan ng lalaking nasiraan pa daw ng bisikleta sa kasagsagan ng bagyo, agaw eksena sa socmed

- Agaw pansin ngayon sa social media ang larawan ng isang lalaki na nakatigil sa may tulay sa kasagsagan ng lakas ng ulan

- Di masabi kung nasiraan ang ng bisikleta ang lalaki o sadyang napahinto na lamang siya sa lakas ng hampas ng ulan

- Ayon sa nag-post, dapat lamang daw na magpasalamat tayo sa buhay na mayroon tayo ngayon dahil ang iba ay pinapangarap lamang ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sino ba naman ang di madudurog ang puso sa larawan na binahagi ng facebook user na si Jay A. Buergo kung saan ang isang lalaki ay nakahinto lamang sa tabi ng kanyang bisikletang may side car dahil sa malakas na hampas ng ulan.

Nalaman ng KAMI na nasa may tulay pa ang lalaki habang nakapandong lamang ito ng parang manipis na kahoy sa kanyang ulo.

Di masabi kung nasiraan ng bisikleta ang lalaki o sadyang huminto lamang siya sa pagmamaneho dahil sa malakas na hagupit ng ulan.

Sa caption ni Jay, nilagay niya ang "There is someone dreaming of the life you're living right now. Be grateful always!". Isa itong paalala sa atin na magpasalamat na lamang tayo sa buhay na tinatamasa natin dahil di natin alam, ang iba ay nangangarap na lamang sa buhay na meron tayo.

Di na rin ito nalalayo sa kwento na minsan nang naibahagi ng KAMI kung saan ang isang ice cream vendor ay buong tapang na sinugod ang malakas na ulan. Maraming naantig sa post na ito na talaga namang dumurog sa puso ng ilan sa ating mga netizens, narito ang ilan sa kanilang mga komento:

" I am blessed and i thank our dear Lord God everyday ,thanks for this post"

" makadurog damdamin,this picture says a thousand words,"

" grabe (broken heart and sad emoticon)"

"We have so much to be grateful for!"

"Nice caught bro!!"

This awkward phone call leaves a bunch of strangers from the Philippines shocked and surprised. Are you interested to find out what the phone call is about? Awkward Phone Call Public Prank: The Funniest Reactions Ever | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Ali, pinaalis si Lie at sinabihan pang patatalunin sa pool pag di umalis

Ali, pinaalis si Lie at sinabihan pang patatalunin sa pool pag di umalis

Ali, pinaalis si Lie at sinabihan pang patatalunin sa pool pag di umalis
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel