Awang-awa sa mga anak! OFW, pinilit umalis ng bansa kahit may iniindang karamdaman

Awang-awa sa mga anak! OFW, pinilit umalis ng bansa kahit may iniindang karamdaman

- Dala ng kahirapan, walang mgawa ang kababayan nating si Gloria C. Mararac na kahit may karamdaman na ay mas pinili pa rin niyang umalis ng bansa

- Awang-awa na siya sa kanyang mga anak dahil minsan wala na talaga siyang maibigay na baon sa mga ito

- Kahit takot na siyang baka sumpusngin siya ng kanyang karamdaman sa abroad, wala pa rin siyang nagawa kundi ang umalis para kumita ng malaking pera

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di na bago sa atin ang mga kwentong OFW kung saan kinailangan talagang umalis na lamang ng bansa ang ina para lamang mabigyan ng mas maginhawang buhay ang mga anak.

Ang iba pa nga, gaya na lamang ng kwentong naibahagi na ng KAMI, pinasok talaga ang iba't ibang trabaho para lamang sa anak.

Ngunit sa kaso ng OFW na ito na nagbahagi ng kanyang kwento, nakakadurog ng puso na isipin na sa kabila ng kanyang dinaramdam ay mas pinili pa rin niyang umalis para sa kanyang mga anak.

Umalis siya para sa pangarap niya sa mga anak niya dahil kung hindi, walang magandang bukas ang maipapangako niya sa mga ito.

Awang-awa sa mga anak! OFW, pinilit umalis ng bansa kahit may iniindang karamdaman

source: supplied

Narito ang kabuuan ng kwento ni Gloria na buong puso niyang binahagi sa KAMI:

Ok po ako c Gloria C. Mararac 36 yrs old from dagupan may asawa at 3 anak isa po akong mananahi sa pilipinas at ang asawa kpo ay helper mahigit 1 buwan plang po ako dto sa kuwait ok nman po amo ko sobrang hirap lang po talaga malayo sa pamilya lalo na kpg nahohomesick ka at ng iisa sa malayo at nangungulila simple lng naman po gusto ko ang matapos cla sa knlang pgaaral 2 npo kc high school at 1 elementary sadyang kulang po tla pnggastos araw araw kya npgdesisyunan nming mg asawa na kailangan kong lumayo ngaun andto nako sa aktwal sobrang hirap talaga mapalayo sa kanila lalo na at malalaki na cla pangarap ko lang po makapgpatayo ng sarili kong tahian kya ako nkipagsapalaran dto at mkpgtapos cla ng pg aaral. Asawa ko a y helper po sa factory ng ice cream stick

Sobrang dami po katulad po kapag tag ulan pareho po kaming wlang trabaho ng mister ko tapos ung tipong manghihingi po ng pambaon walang maibigay tapos ung time na may emergency wala hong mahuhugot tapos habang tumatagal lalong lumalaki gastos namin ung asawa ko po sna mg aabroad kya lng po d pwede kc operado po ung mata nya kaya ako nalang po ngsakripisyo dito

Sa pagawaan po ng ice cream stick po cia ngtatrabaho syempre pg tg ulan wla po cia trabaho ako po sa tahian ng mga uniform ng basketball pg pyesta pyesta lng po malakas pg tg ulan wla din po. Ung 2 anak kong babae po nsa highschool na tpos una bunso ko lalaki grade 5 po sa katunayan po mam 4ps din po ako. Last january ng po kagagaling ko lng po ng hospital 5 days po ako nacomfine kc may acute gastroenteritis po ako kya po ako nggagamot gang ngaun po kc bka may posibilidad na mging gallbladder nakita po nung xray po ako pro gang ngaun dna po ako bumalik na ngpa check up gawa po ng hirap ng buhay buti nga po di po ako inaatake kailangan talaga mgsakripisyp

Kya nga po kc po nung inaatake po ako nung march tsaka april ngpapa ventusa po ako at inom ng kang ano anong herbal kasi di ko po talaga alam pg umatake pasalamat nalang po ako at di na naulit. Ok naman po minsan po nangangasim parin pro umiinom nalang po ako ng gamot

Hindi namn msyado mahirap dito ang amo ko nasa turkey po cla sa katapusan pa po balik nla

1 month po kc cla dun nung monday po cla umalis. Ang inaalala ko lng po kapag inatake pro kailangan talaga mgsakripisyo para sa mga anak ko. Noong paalis po ako ng pinas magkahalo lungkot dahil malalayo na ako sa pamilya ko at pangamba kung ano ang naghihitay sakin sa ibang bansa po At ang iniisip ko po talaga yung dadatnan ko dito sa kuwait at pinagdadasal ko talaga na di na umatake yung sakit ko

Sa mga may balak na mangibang bansa siguraduhin nyo sa isip at sarili nyo na buo ang loob nyo na hndi lng kayo napipilitan o dinidiktahan dahil hindi po biro biro ang makipagsapalaran dto kc pg andto kna dmo maiwasang magutom mapagod at mapuyat at lalong lalo na ang mangulila sa mga mahal nyi sa buhay kailangan pg andto ka mgpakatatag at magbaon ng maraming pasensya dhil yan ang bala ntin dto sa ibang bansa kya dpat mg isip ka muna ng 100 beses bgo sbhin sa sarili mo na kaya ko to.

This awkward phone call leaves a bunch of strangers from the Philippines shocked and surprised. Are you interested to find out what the phone call is about? Awkward Phone Call Public Prank: The Funniest Reactions Ever | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Pamilyang Pinoy, naipit sa isang department store shootout sa Las Vegas!

Pamilyang Pinoy, naipit sa isang department store shootout sa Las Vegas!

Pamilyang Pinoy, naipit sa isang department store shootout sa Las Vegas!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel