Makati Mayor Abby Binay, di na raw palalampasin ang mga banta sa kanya dahil sa hindi pagsuspinde agad ng klase

Makati Mayor Abby Binay, di na raw palalampasin ang mga banta sa kanya dahil sa hindi pagsuspinde agad ng klase

- Makati ang madalas na huling magsuspinde ng klase sa buong NCR

- Dahil dito, nakakatanggap ng mga masasakit na salita sa social media ang Mayor ng Makati na si Abby Binay ngunit ang di niya matanggap ay ang mga banta na sa kanyang buhay

- Sa panayam kay Mayor Abby sinabi niyang di na raw niya ito papalampasin ay hahayaan na lamang daw niya na NBI ang mangatok sa mga bahay ng mga nananakot na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tila umalma na ang Mayor ng Makati City na si Mar-Len Abigail S. Binay sa mga post patungkol sa kanyang di pagsuspinde agad agad ng klase tuwing masama ang panahon.

Nalaman ng KAMI na dahil huli lagi ang Makati na nagsusupinde ng klase o minsan pa ay hindi talaga nagsususpinde, nakatatanggap na si Mayor ng mga di magagandang mga salita mula sa mga 'Makatizens'. Ang di daw niya masikmura at di na niya palalampasin ay ang pambabanta na di umano sa kanyang buhay.

“It has come to a point na nananakot na. ‘Yong pasasabugin daw ‘yong bahay ko dahil ‘di ako nagsuspend ng ano (classes), gusto ko ba daw na ma-snipe sa flag ceremony,” pahayag ni Mayor Abby sa panayam sa kanya sa programang 'Dos por Dos' sa DZMM noong Hulyo 18.

Paliwanag ng Mayor, marami na ang mga lokal na opisyales ang namamatay at di magandang biro ang pagbabanta lalo na at dahil lamang ito sa di agad pagsuspinde ng klase sa Makati.

“Kung sasabihin nilang joke ‘yan, ‘di ko ho ‘yan mamaliitin dahil alam naman po natin na mayroon pong mga opisyal ngayon na namamatay, binabaril. If you do that in America, you think ‘yong FBI ‘di kayo kakatukin sa bahay niyo?" dagdag pa ng alkalde

Sinabi ni Mayor Abby na kumukunsulta na siya sa NBI tungkol sa kinakaharap na sitwasyon.

“Yes, ire-reklamo ko na ho sila (I will file a case). I will have to ask the assistance of the NBI to help me,” Binay said.

“I cannot take it lightly kasi iba ‘yong minumura niyo ako, iba ‘yong sinasabi niyo na bobo ako, pero kung pinagbabantaan niyo na ako, eh hindi na ho ‘yon nakakatuwa,” paliwanag pa niya.

Samantala, pinaliwanag din ng Mayor kung bakit di sila basta basta nagsususpinde ng klase.

“We declare (class suspensions) as early as 11 p.m., ‘yong iba 6 p.m. pa lang nagde-declare na. Inaantay po kasi namin ‘yong Pagasa forecast ng 11 p.m, inaantay po namin, tinitignan kung kailangan na magdeclare,” aniya.

Binahagi pa ng Mayor na may sarili raw na weather instruments ang Makati na siyang nakakapagsabi ng panahon at nagiging basehan ng pagsuspinde ng klase.

“Tignan niyo sa Makati din umuulan pero sa Quezon City baha na. Wala kasing baha dito. Hindi mo pwedeng sabihin na ‘pag baha sa Manila, baha sa Makati; ‘pag umuulan sa Makati, umuulan sa Manila. Very localized (ang weather),” sabi ng Mayor.

Actually meron po kaming kinukuhang data from Pagasa, meron din pong pitong weather stations dito po sa Makati (We get data from Pagasa, but we also have seven weather stations here in Makati),” dagdag pa niya.

This awkward phone call leaves a bunch of strangers from the Philippines shocked and surprised. Are you interested to find out what the phone call is about? Awkward Phone Call Public Prank: The Funniest Reactions Ever | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Ali, pinaalis si Lie at sinabihan pang patatalunin sa pool pag di umalis

Ali, pinaalis si Lie at sinabihan pang patatalunin sa pool pag di umalis

Ali, pinaalis si Lie at sinabihan pang patatalunin sa pool pag di umalis
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel