Suspended! 10 Gilas Pilipinas players at 2 sa coaching staff sinuspinde ng FIBA

Suspended! 10 Gilas Pilipinas players at 2 sa coaching staff sinuspinde ng FIBA

- Kalalabas lang na balita, nagpalabas na ng kanilang desisyon ang ang International Basketball Federation o mas kilala bilang FIBA tungkol sa Gilas-Australia brawl

- Matatandaan na lumikha ng ingay sa buong mundo ang nasabing sagupaan o bangayan ng koponan ng Gilas Pilipinas at team Australia

- Ngayon, ang hinihintay na desisyon tungkol sa nangyari ay inilabas na at tila hindi maganda ang resulta dahil sampu daw sa mga players ng koponan ng Pinas kasama ang coaching staff ang suspended

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ang governing body ng basketball sa mundo na FIBA ay naglabas na nga ng kanilang desisyon kani-kanilang, ngayong araw ng Huwebes, July 18, 2018, tungkol sa malaking gulo na nangyari sa laro ng Gilas Pilipinas at Australia team kamakailan lang

At ayon sa balita na nakuha namin sa CNN, ang sampung Gilas players na suspendido ay sina:

Japetha Aguilar - suspendido ng isang laro

Matthew Wright - suspendido din ng isang laro

Terence Romeo - suspendido ng tatlong laro

Jayson Castro William - suspendido ng tatlong laro

Andray Blatche - suspendido ng tatlong laro

Jeth Rosario - suspendido ng tatlong laro

Roger Pogoy - suspendido ng limang laro

Carl Cruz - suspendido ng limang laro

Jio Jalalon - suspendido ng limang laro

Calvin Abueva - suspendido ng anim na laro

Ayon pa sa balita, ang bigat na desisyon kay Calvin Abueva ay ayon daw sa mga naunang "unsportsmanlike behavior" sa FIBA competition.

Ang head coach naman ng Gilas na si Chot Reyes ay isinuspendi ng isang laro at inuutusan umano na magbayad ng "disciplinary fine" na 10,000 Swiss Francs o mga 535,000 pesos sa ating pera.

Ito ay umano para sa pag-uudyok ng coach sa "unsportsmanlike behavior."

Ang assistant coach naman na si Jong Uichico, samantala, ay suspended sa tatlong laro dahil na rin sa "unsportsmanlike behavior."

Itong lahat ay ayon din sa nasabing report.

Ang Samahang Basketbol ng Pilipinas , Inc., ang governing body ng basketball sa Pilipinas ay na-sanctioned dahil din sa "unsportsmanlike behavior" sa miyembro ng delegado at sa publiko, pati na rin sa hindi sapat na organisasyon ng laro.

Dagdag pa sa balita, ang Pilipinas daw ay maglalaro sa susunod na home game "behind closed doors" habang isang ban ng dalawa o mahigit na home games ang ipinataw sa loob ng probationary period ng tatlong taon.

Ang SBP din ay magbabayad umano ng disciplinary fine na 25, 000 Swiss Francs o around 13, 300, 000 pesos sa pera natin.

Gayunpaman, tatlong manlalaro din ng Autralia na nakasali sa gulo sa Gilas-Australia brawl ang isinuspendi din ng FIBA dahil na din sa "unsportsmanlike behavior," at sila ay sina:

Chris Goulding- suspended for 1 game

Thon Maker - suspended for 3 games

Daniel Kickert - suspended for 5 games

Ito ay ayon na din sa tweet ni CNN Philippines Sports Correspondent Pauline Versoza na rinitweet din ng CNN official Twitter page.

Matatandaan na binalita namin ang tungkol sa pinag-uusapan na away sa basketball sa buong mundo ang Gilas-Australia brawl kamakailan lang.

POPULAR: Read more news about Gilas Pilipinas here

Here’s some brain exercise for you. Have you ever been in a situation when you can see two or more things in one image? Here’s a fun way of exercising your brain and sense of sight with our “What do you see?” social experiment. So, what do you see?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
2 beses daw pinagbuhatan ng kamay! Janella Salvador admits seeing a psychologist

2 beses daw pinagbuhatan ng kamay! Janella Salvador admits seeing a psychologist

2 beses daw pinagbuhatan ng kamay! Janella Salvador admits seeing a psychologist
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel