Todo ang birada! Robin Padilla, nilampaso si Sen. Franklin Drilon sa social media ukol sa DAP at BBL

Todo ang birada! Robin Padilla, nilampaso si Sen. Franklin Drilon sa social media ukol sa DAP at BBL

- Naging viral sa social media ang isang Facebook Live video ni Robin Padilla matapos niyang batikusin si Sen. Franklin Drilon

- Ipinaalala ng aktor ang mga naging hakbang ng senador laban sa pamahalaan na labag sa Saligang Batas

- Nagbigay pa ng isang maikling history lecture ang aktor sa naturang senador

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News

Viral ngayon ang isang post ni Robin Padilla na isang live Facebook video na naglalaman ng kanyang mga hinaing ukol sa Bangsamoro Basic Law (BBL). Tumagal ng 30 minuto ang nasabing video na puno ng mga birada niya laban kay Senador Franklin Drilon.

Nalaman ng KAMI ang nasabing video matapos itong ma-upload sa social media noong Martes, matapos itong umani ng mga papuri at pagkainis mula sa netizens.

Naiiritang sinimulan ng action star ang kanyang video nang banggitin ang pambungad niya sa umaga nang marinig sa radyo ang isang panayam ng DZMM kay Franklin Drilon.

"Ang aga aga nadinig ko sa radyo si Senator Drilon at nagpapabida na naman po dun sa DZMM at pinalalabas nanaman po niya na kaniyang pinagtatanggol ang Saligang Batas. 'Yun eh. Ang laging dating nito eh defender of our Constitution."

Kinuwestyon ng actor ang kredibilidad ng senador nang kanyang ipaalala ang kinasangkutang isyu ni Sen. Drilo sa kontrobersyal na DAP. Aniya, ang naging aksyon daw ng senador ukol dito ay labag sa Saligang Batas.

"Bakit po kaya pag pabor sa inyo at 'yung lahat ng mga bagay na para sa inyo eh pwede niyong labagin ang saligang batas, yun po ang hindi ko maintindihan eh."

"Ang tanong ko lang dito sa taong ito bago pag usapan natin si BBL, baka nakakalimutan niyo na yung ginawa niyo diyan sa DAP. Mr. Franklin Drilon yun pong ginawa niyo sa DAP yun po ay labag sa constitution."

Matatandaang noong Oktubre 2013, ibinahagi ng senador ang kanyang saloobin nang depensahan ang sarili ukol sa DAP sa isang panayam ng ABS-CBN. "It’s not like I pocketed P100 million in kickbacks. The DAP allocation is not cold cash and but was merely a list of infrastructure projects recommended by legislators and local government officials to be implemented by the Department of Public Works and Highways."

“That I admitted receiving P100 million in DAP funds was not like I admitted committing a crime. On the contrary, I was only doing my role in helping prime the economy that was needed at that time.”

Sinabi rin noon ng senador na matagal nang umiiral ang DAP bago pa man ma-impeach ang late Chief Justice Renato Corona.

Nang simulan ni Robin ang diskurso sang-ayon sa BBL, aniya, hindi niya raw nagustuhan ang nagugustuhan ang kaliwa't kanang pagtutol ng senador sa BBL at sa mga paghahandang isinasagawa ng pamahalaang Duterte na amyendahan ang Saligang Batas.

Kamakailan lang, lumabas sa iba't ibang pahayagan na tutol si Drilon sa pagtataguyod ng Bangsamoro dahil maaari naman daw bigyan ng mas malawak na kapangyarihan at kasarinlan ang mga lokal na pamahalaan nang hindi ginagalaw ang Saligang Batas.

Tumuloy ang aktor sa kanyang mga birada laban sa senador nang tanungin nito, "Hindi ba kayo nahihiya? Ako kasi nahihiya ako para sa inyo eh. Masyado akong nahihiya para sa inyo kasi ang lalakas ng loob niyo magsalita na, 'hindi ako papayag na malabag ang Konstitusyon."

Lalo pang pinaigting ng aktor ang kanyang mga patutsada nang pangaralan pa nito ang senador sa kasaysayan ng mga Moro.

Aniya, "Kung inyo pang lalaliman ang inyong kaalaman sa kasaysayan, Senador Drilon, tayo po ay nagmula lahat sa Austronesia race. Pwede pong pakibasa niyo 'yan, tutal abugado kayo."

Tinawag pa ng aktor na "animalist" ang mga makasaysayang Moro. Ayon kay Padilla, "sila po ay mga animalist, ibig-sabihin ng animalist, sumasamba po sila sa kalikasan." Maaaring hindi naging malinaw sa bahaging ito sa aktor ang pagkakaiba ng 'animalism' at 'animism'.

Maaaring ang gustong iparating ng aktor ay mga animista ang mga sinaunang Moro, na sumasamba sa kalikasan, sang-ayon sa ibig-sabihin ng 'animism'. He reiterated by saying that ti's much better that an ex-convict tell him about ancient history.

Si Robin Padilla ay isang solid na supporter ng Duterte Administration at madalas nitong tawaging "Mayor" ang Pangulo, dahil sa matagal nitong pamamalakad sa pinagandang lungsod ng Davao.

Nagpasaring din ang aktor laban sa Partido Liberal (LP) sa isang bahagi ng kanyang live video. "Ito talagang LP ang gugulo niyo. Kayo ang kumokontra sa bagay na kayo ang nag-umpisa. Ang BBL, panahon pa 'yan ng LP, pakana 'yan ni Noynoy Aquino na sila rin [ang] sumabotahe kaya hindi ho yan natuloy, kaya ngayon tinutuloy ni Mayor."

Pinaalalahanan din ni Robin Padilla ang nasabing partido na mahiya naman daw sila sa mga Moro-Islamiko na silang unang nanirahan sa mga timog na bahagi ng Pilipinas.

Panoorin ang nasabing Facebook video ni Robin:

Read more exciting news about Robin Padilla here!

Did you miss our tricky questions? Check them out again in the video below and find out what questions you know, and get into the fun of our kababayans hilarious answers to these questions! Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pak, ganda pa rin! Melissa Ricks shares struggle with weight gain and being a single mom

Pak, ganda pa rin! Melissa Ricks shares struggle with weight gain and being a single mom

Pak, ganda pa rin! Melissa Ricks shares struggle with weight gain and being a single mom
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel