Ayaw ng may tinatagong baho! Maricar Reyes, ibinunyag ang lahat ng nakaraan sa asawa

Ayaw ng may tinatagong baho! Maricar Reyes, ibinunyag ang lahat ng nakaraan sa asawa

- Inamin ni Maricar Reyes na ibinunyag niya sa asawang si Richard Po0n ang lahat ng kanyang sikreto

- Bago pa man lumalim ang kanilang pagtitinginan, sinabi niya lahat ng magaganda at di magagandang bahagi ng kanyang nakaraan

- Sinang-ayunan naman ng asawa niyang si Richard na mahalaga ang pagiging matapat sa taong gusto mong makasama habangbuhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Walang itinagong sikreto ng kanyang nakaraan ang doktor na ngayon ay aktres na si Maricar Reyes lalo na nang mapagtanto niyang may posibilidad na lumalim pa lalo ang relasyon nila ng kanyang asawa na si Richard P0on.

Nagbalik tanaw si Maricar noong mga panahong wala pa siyang asawa.

"Noong hindi pa kami dating ni Richard, I made some mistakes of my own sa past," saad niya habang nakaupo naman ang asawa sa tabi niya.

Ibinahagi ni Maricar ang dahiilan kung bakit niya napagpassyahang sabihin dito ang kanyang mga nakaraan.

"Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko sa kanya o hindi. Noong una, hindi ko sinasabi. But eventually there was one evening, tinawagan ko siya ulit.

"Naisip ko, 'Bahala na.' Pa-cute pa ako, kasi nakakatakot, e. It's very difficult to tell bad things about yourself to your partner. Siyempre, gusto mo mag-pa-impress, 'di ba?

Hanggang sa tinawagan niya umano si Richard at ipinagtapat kahit yung mga bagay na para sa kanya ay nakakahiya.

"Eventually, tumawag ako sa kanya, and I told him lahat ng baho ko na nakakahiya. Kung ayaw na niya ako after telling him all the things that I wanted to tell him, e 'di huwag. E 'di tapos na. At least, before anything got more complicated, nasabi ko na."

Hindi na ipinaliwanag pa ng aktres ang mga 'nakakahiyang' mga bagay na iyon.

"Dati, honestly, hindi ako mahilig sa truth," dagdag pa ni Maricar.

Ayon pa kay Maricar, mas magandang alam ng isa't isa ang buong pagkatao para kaya mo siyang mahalin ng buo.

"Maganda kasi na alam ng partner mo 'yung kabuuan mo. Since alam niya 'yung bad ko, alam ko rin 'yung bad niya, mahal ko siya nang buo. Walang kondiyson — good or bad, I love you."

Inihayag din ng singer ang kanyang opinyon sa usaping pagsabi ng totoo sa taong minamahal, "Telling the truth to each other, malalaman na, 'Ah, kaya niya ako.' You want a long-term relationship, e. Kasi 'pag kaunti pa lang 'yung truths na nilabas mo, hindi niya kinayanan, paano pa kayo magsasama ng buong buhay niyo, na magkakaanak pa kayo, at marami pa kayong pagdadaanan together?"

"Masarap ang feeling kapag fully known ka, and yet, mahal na mahal ka pa rin." dagdag pa ni Maricar.

Si Maricar ay isang born-again Christian. Nakilala niya ang kanyang asawang si Richard P0on sa Victory Christian Fellowship. Naging magkarelasyon sila noong 2012 at ikinasal noong une 9, 2013 sa isang private Christian wedding.

Sa naunang ulat ng KAMI, matatandaang muntikan na daw iwan ni Maricar ang asawa pagkatapos nilang ikasal.

Makeup For A Gym: Stay Awesome While Working Out | on BeKami

A certified makeup artist of MAC Philippines will create several new looks for our amazing coach Crystalle.

Do you want to learn everything about workout makeup? Click “Play” and enjoy the video!

Source: Kami.com.ph

Related news
Mocha Uson, nagsalita sa naging viral video ni Aga Muhlach ukol kay Trillanes

Mocha Uson, nagsalita sa naging viral video ni Aga Muhlach ukol kay Trillanes

Mocha Uson, nagsalita sa naging viral video ni Aga Muhlach ukol kay Trillanes
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel