Sapul! Mahigpit na pangangaral ni Alex Medina sa netizen na nagbiro tungkol sa panggagahasa

Sapul! Mahigpit na pangangaral ni Alex Medina sa netizen na nagbiro tungkol sa panggagahasa

- Nagviral ang mahigpit na pangangaral ng aktor na si Alex Medina sa kanyang IG followers tungkol sa panggagahasa

- Isang post ng aktor sa kanyang social media account noong July 18, Miyerkules ang gumawa ng ingay sa online world

- Ang nasabing Instagram post ay tungkol sa isang paalala para maiwasan ang r*pe na nirepost ng aktor na anak ng batikang aktor na si Ping Medina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binalita ng PEP ang pinakahuling pinag-usapan sa online world ngayon sa social media at ito ang isang post ng aktor na si Alex Medina, na kilala bilang anak ng batikan at beteranong aktor na si Ping Medina.

Naispatan ng KAMI na ang Instagram post niya ay isang repost na orihinal na galing sa Cosmopolitan Philippines.

At ito ay may pamagat na "Paalala Upang Maiwasan ang R*pe."

Ang nasabing post ay may tila twist sa hulian at nagsasabi na "Huwag mang-r*pe

Sa comment section, isang netizen ang nagbiro na:

"Pwede po bang magpaR*ape sayo [smile emojis]."

Hindi ito nagustuhan ng aktor at hindi ito nakakatawa para sa kanya, kaya naman nagreply siya ng:

“Siguro iwasan na lang ganyan joke next time labyu”

Ang ibang mga netizens naman ay hindi nagpapigil at nagkomento din sa komento ng naturang netizen at binatikos nila ito dahil sa "offensive joke."

Pero ayon pa sa report ay tila inerased ng naturang netizen ang kanyang komento.

Base sa reaksyon sa thread, ang deleted comment ay umano sinisi ang mga biktima na tila binubuksan ang mga sarili para magahasa dahil daw sa paraan ng pananamit nila o kumilos.

Sumagot naman si Alex Medina at pinayuhan ang netizen na maging open-minded o bukas ang isip, sabay pag-amin din na ganyan din ang kanyang opinyon noong siyay bata pa.

Pagpapaliwanag pa ng aktor:

“ito ang challenge niyan sir, bilang parehas po tayong alagad ng Diyos, sana ay buksan din niyo po ang mata niyo sa mga posibilidad na sinasabi namin sa iyo kasi ako once upon a time nung bata ako, eh ganyan din ang paniniwala ko.”

Huming naman ng paumanhin ang netizen dahil sa paninisi sa mga biktima ng r*pe.

Did you miss our tricky questions? Check them out again in the video below and find out what questions you know, and get into the fun of our kababayans hilarious answers to these questions!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Jackie Chan, may inamin tungkol sa nagawang pang-aabuso at pangangaliwa sa asawa

Jackie Chan, may inamin tungkol sa nagawang pang-aabuso at pangangaliwa sa asawa

Jackie Chan, may inamin tungkol sa nagawang pang-aabuso at pangangaliwa sa asawa
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel