Netizens naloka sa ginawa ng isang Pinoy sa baha sanhi ng bagyong 'Henry'

Netizens naloka sa ginawa ng isang Pinoy sa baha sanhi ng bagyong 'Henry'

- Viral ngayon ang video ng isang Pinoy na sa kabila ng baha dahil sa bagyong Henry ay nagawa pa niya itong katatawanan

- Umabot na sa mahigit 5 million views ang video ni Jobee Bautista kung saan ginawang swimming pool ang baha

- Sa kabila ng peligro sa banta ng baha, game na game pa rin si Jobee na pasayahin ang mga kapwa niya Pilipino na nakararanas ng bagyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagmistulang indoor swimming pool ang baha sa loob ng bahay ng netizen na si Jobbee Jugueta Bautista.

Ngunit, imbis na magmukmok, matakot, o mabahala ginawa na lamang katatawanan ni Jobee ang pagbaha sa kanilang bahay.

Nalaman ng KAMI na aliw na aliw ang mga netizens na nakapanood ng video ni Jobee na para siya nasa swimming pool.

Nilagay niya na caption ang "at the pool side, grabe grabe grabe, #baHAGONOY, #hindinakakatuwa"

Makikita na nasa ibabaw na ng lababo nila si Jobee nang ayain niya na maligo ang kumukuha ng video at ang sabi lamang nito ay "mauna ka."

Lumublob ng para talagang nasa swimming pool si Jobee sa tubig na abot na halos sa dibdib ng netizen.

Tila naibsan daw ang lungkot, inis, sama ng loob at iba pang di magandang nararamdaman ng ibang netizen dahil sa sama ng panahon sa kakulitan ni Jobee.

Ang ilan naman ay nag-aalala sa panganib na dulot ng baha gaya ng leptospirosis, kuryente, alipunga at iba pa.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Delikado po yan kung my kuryente lalo na po sa atin sa Pinas"

"Ang dumi. Ingat sa leptospirosis kyah."

"Hala uu nakuha pang magbabad feeling swimming pool tlga???!!! Yakky itim ng tubig!!!"

"positive lang mag isip siya... kesa nmn humagulgol kakaiyak atleast inienjoy niya hahahah"

"Hahaha..mas masarap sa bgy nmin..mas malalim jan.."

"Hahah ayos yan ahh Brad"

Umabot na sa mahigit 5 million views ang video na binahagi lamang noong Hulyo 13.

This awkward phone call leaves a bunch of strangers from the Philippines shocked and surprised. Are you interested to find out what the phone call is about? Awkward Phone Call Public Prank: The Funniest Reactions Ever | HumanMeter on KAMI youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
12-anyos na naturukan ng Dengvaxia, pumanaw; ika-96 na

12-anyos na naturukan ng Dengvaxia, pumanaw; ika-96 na

12-anyos na naturukan ng Dengvaxia, pumanaw; ika-96 na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel