Nagbalik na siya! Sofia Andres, muling nagbalik bilang kalaban ng mga Bagani

Nagbalik na siya! Sofia Andres, muling nagbalik bilang kalaban ng mga Bagani

- Tatlong buwan matapos ang kontrobersiyal niyang pagkawala sa fantaserye, muling bumalik si Sofia Andres

- Kung dati ay bilang bida, ngayon ay bumalik siya bilang isang kaaway ng Bagani

- Muli siyang binuhay ni Malaya (Kristine Hermosa), upang pabagsakin ang mga Bagani

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tatlong buwan matapos ang kontrobersiyal niyang pagkawala sa "Bagani," muling nagbabalik si Sofia Andres bilang si Mayari. Ikinabigla ng mga fans ang muli niyang pagbabalik bilang isang kontra-bida.

Sa naunang ulat ng KAMI, naging madamdamin si Sofia sa kanyang pagkawala sa fantaserye.

Sa pag-aakalang wala nang panganib dahil sa pagkatalo nila kay Sarimaw, nagdiwang ang buong sansinukob kasama ang mga Bagani.

Ngunit, lingid sa knilang kaalaman ay may masamang binabalak ang naghihinagpis na ina ni Sarimaw na si Malaya.

Muli niyang binuhay si Mayari upang siya ang maghasik ng lagim at siyang papatay kay Lakas.

Matatandaang namatay ang karakter ni Sofia Adres na si Mayari nang tamaan siya ng kidlat ni Sarimaw. Pinaanod siya sa dagat bilang nakaugaliang pamamaraan ng paglibing ng taga loot.

Tila naman blangko ang mga mata ni Mayari.

"Tingnan ko lang kung kaya pa siyang patayin ng mga kaibigan niyang bagani," saad pa ni Malaya.

Sinasabing naging dahilan ng pagkatanggal ni Sofia sa serye ay ang kanyang pagkadawit sa isyu ng pagtataray diumano sa ilang press people ngunit pinabulaanan ito ng aktres. Ayon pa sa kanya, alam na niyang mamamatay ang kanyang karakter una pa lamang ngunit hindi niya alam kung kailan ngunit nagpapasalamat pa rin siya na naging bahagi siya ng Bagani.

POPULAR: Read more about Sophia Andres here

Makeup For A Gym: Stay Awesome While Working Out | on BeKami

A certified makeup artist of MAC Philippines will create several new looks for our amazing coach Crystalle.

Do you want to learn everything about workout makeup? Click “Play” and enjoy the video!

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, aliw na aliw sa internet memes na introduction daw ng Ms. Universe candidates

Netizens, aliw na aliw sa internet memes na introduction daw ng Ms. Universe candidates

Netizens, aliw na aliw sa internet memes na introduction daw ng Ms. Universe candidates
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel