Umalma! Meg Imperial, di mapigilang sagutin ang mga bashers dahil sa kanyang pelikula

Umalma! Meg Imperial, di mapigilang sagutin ang mga bashers dahil sa kanyang pelikula

- Kasalukuyang isang mainit na usapin ang pelikula nila Meg Imperial at Donnalyn Bartolome na Jacqueline Comes Home

- Inuulan sila ngayon ng batikos sa social media

- Ang pelikula ay base sa point of view ng pamilya Chiong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umalma si Meg Imperial sa natanggap na bashing at hate messages online dahil sa pagganap bilang isa sa CHiong sisters sa kanilang pelikulang Jacqueline Comes Home.

Sina Meg at Donnalyn gumanap sa pelikula, kung saan ginampanan nila ang magkapatid na Jacqueline at Marijoy Chiong, mga diumano'y biktima ng abduction/r4pe/murder sa Cebu City noong taong 1997.

Base sa point of view ng pamilyang Chiong ang pelikula kaya naman marami ang umalma lalo na nang lumabas ang isang dokyumentaryo tungkol sa isang convicted suspect na si Paco Larrañaga.

Ang ina ng mga biktima na si Thelma Chiong ang nagbigay ng permiso kay Carlo J. Caparas, na siyang nagsulat ng script ng Jacqueline Comes Home.

Ang pelikula naman ay directed by Ysabelle Peach Caparas anak ni Carlo Caparas.

Kasabay ng paglabas ng pelikula, lumitaw sa socia media ang documentary na Give Up Tomorrow na ginawa ni Marty Syjuco noong 2011.

Sa documentary ipinakita ang diumano'y injustice at hindi maayos na paghawak at pagdinig sa kaso hanggang sa umabot ito sa Korte Suprema.

Dahil naging viral ang documentary, naging trending na rin ang panawagan na #FreePaco at pag-boycott sa pelikulang Jacqueline Comes Home.

Ito din ang nakikitang dahilan kung bakit na ba bash ang mga bida ng pelikula.

“Ang hindi ko maintindihan sa inyo sa 'research na yan at paulit ulit nyo.

“Ilang beses po ba dapat sabihin sa inyo we've done our research?

“And kung tinanggap namin ang film, bakit kami ang binabatikos ninyo?

“Tanggihan man namin yan o hindi. Meron at meron pa rin kukunin na artista na gaganap dyan.

“Bakit ang artista ang binabash nyo rather than the justice system that you guys are so into?

“Why not the government if you want change? Or action regarding that matter? Why us?

“Do you think sa ginagawa nyo may naitulong kayo kay Paco?

“Kami ba na mga artista ang nagpakulong?

“At may kakayanan magpalaya sa kanya? If you think you guys know everything then go to court and open the case.”

Saad pa ni Meg, unfair din para sa kanila ni DOnnalyn ang ginagawa ng netizens.

“Kailan nyo lang ba nalaman about sa case? Hindi ba when you saw the trailer?

“Unless you guys were there at isa kayo sa nakakaalam ng truth. Then if not who are you to judge the people behind this film? Esp kami ni Donnalyn?

“Ang concern nyo sa case instead makabuti nakakasama.

“Ang sinasabi nyong hindi fair sa justice system eh ginagawa nyo samin.

“Kami ba pumatay? Bakit kung makapang hamak kayo para kami ang dapat nakulong?

“Bakit kung makapagsalita kayo parang kilala nyo na kami simula't sapul?

“Oo! Freedom of speech pero alamin nyo sinasabi nyo.

Kontrobersiyal ang nangyaring krimen noon dahil buko sa maiimpluwensiyang tao ang sangkot, may mga ibang anggulong tinitingan ang karamihan sa mga netizens ngayon lalo at lumabas ang documentary tungkol sa naging karanasan ng mga napagbintangan di umano sa nasabing krimen.

Makeup For A Gym: Stay Awesome While Working Out | on BeKami

A certified makeup artist of MAC Philippines will create several new looks for our amazing coach Crystalle.

Do you want to learn everything about workout makeup? Click “Play” and enjoy the video!

Source: Kami.com.ph

Related news
Video ng pananakit ni Vhong Navarro kay Vice Ganda backstage, nag-viral

Video ng pananakit ni Vhong Navarro kay Vice Ganda backstage, nag-viral

Video ng pananakit ni Vhong Navarro kay Vice Ganda backstage, nag-viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel