Kakai Bautista walang atubiling inaming pera ang dahilan kung bakit siya payag makipagtrabaho kay 'frenemy' Ahron Villena

Kakai Bautista walang atubiling inaming pera ang dahilan kung bakit siya payag makipagtrabaho kay 'frenemy' Ahron Villena

- Inamin ngayon ni Kakai Bautista ang tunay na dahilan bakit niya tinanggap ang proyekto kasama si Ahron Villena

- Nagdadalawang-isip pa daw nung una ang aktres pero inisip niya, para sa pamilya kaya igo-go na niya

- Sabi kasi ni Kakai, may gusto siyang bilhin para sa pamilya kung kaya't tinanggap niya ang proyekto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang nagtataka kung bakit tinanggap ni Kakai Bautista ang bagong proyekto na pagbibidahal nilang dalawa ni Ahron Villena.

Nalaman ng KAMI ang tunay na dahilan ni Kakai at may rason naman ang aktres kung bakit pinili niyang i-go kaysa sa i forego.

Ayon sa aktres, pera daw ang dahilan kung bakit tinanggap niya ang proyekto. Sabi pa nga niya ay pinost niya raw sa Instagram kugn saan sinasabi niyang marming beses niya talagang pinag-isipan iyon dahil natatakot din siya sa pambabash.

Kakai Bautista walang atubiling inaming pera ang dahilan kung bakit siya payag makipagtrabaho kay 'frenemy' Ahron Villena

Kakai Bautista walang atubiling inaming pera ang dahilan kung bakit siya payag makipagtrabaho kay 'frenemy' Ahron Villena (Photo: IG via Pep)

"Alam niyo naman, sikat na sikat ako sa mga pambabash and everything, lalo na kapag tungkol sa aming dalawa, so inisip ko talaga. Humingi talaga ako ng... 'Lord, ano ba?'"

Dugtong pa ng aktres sa PEP, "Kailangan ko na mag-ipon ng pera kasi meron akong bibilhin. Ma-achieve ko rin yun in time, in God's perfect time."

"Naisip ko na, di bale na lang, kahit anong sabihin ng mga tao, carry na lang, igo-go ko na 'to."

Sabi rin ni Kakai na magkabati na talaga silang dalawa ni Ahron bago nila inumpisahang i-shoot ang pelikula nila.

Naunahan lang daw kasi si Kakai ng takot kung kaya't medyo nagdadalawang-isip siya pagdating sa pelikula nila.

"Naunahan ako ng fear ko, pero nung naisip ko, 'Ay, matutupad ang isang pangarap ko para sa pamilya ko,' o di go na."

"Mukha akong pera," sabi ni Kakai nang mag-decide na siyang gawin ang proyekto kasama si Ahron.

Ang pelikulang ginagawa ni Kakai at Ahron ngayon ay entitled, "Harry and Patty."

Sa isang report ng KAMI, naging kontrobersyal noon ang samahan nilang dalawa dahil sa mga pamba-bash at sa mga masasakit na salitang binitiwan diumano nila sa isa't isa.

Cool set of exercises that you can do at work to keep fit from our coach Chrystalle - on Kami YouTube channel This video helps you to keep fit even if you're at the desk all day. These are exercises that are simply very easy to follow and do.

Source: Kami.com.ph

Related news
Kalurkey! Nate Alcasid, natuklasan sa internet na kinasal ang daddy sa ninang Michelle niya

Kalurkey! Nate Alcasid, natuklasan sa internet na kinasal ang daddy sa ninang Michelle niya

Kalurkey! Nate Alcasid, natuklasan sa internet na kinasal ang daddy sa ninang Michelle niya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel