Nakakabahala! Mga posibleng panganib ng pagtulog na katabi ang cell phone

Nakakabahala! Mga posibleng panganib ng pagtulog na katabi ang cell phone

- Maraming tao ang nakasanayan nang matulog katabi ang kanilang telepono

- May panganib pala ito sa ating kalusugan

- Wala mang masamang intensiyon, maaring makadulot ito ng panganib hindi lamang sa iyo kundi pati na rin sa mga taong mahalaga sa iyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami sa atin ang nakaugalian nang gumamit ng cell phone bago matulog. Kaya naman pagkatapos nito ay ilalapag na lang kung saan malapit o di kaya ay nakakatulog habang hawak hawak ang telepono.

Sa naunang ulat ng KAMI, ang paggamit ng telepono bago matulog ay may masamang dulot sa katawan. Ngunit may mga panganib pa rin pala kapag natulog na nilalagay nang malapit sa iyo ang cell phone habang ikaw ay natutulog.

Naglalabas ang cell phones ng electromagnet radiation kapag sila ay naka on na ibig sabihin at buong magdamag kang nakababad dito.

Sa katunayan ayon sa pag-aaral, halos 45 % ng nagmamay-ari ng cell phone ay palaging hawak ang cellphone at hindi ito malayo sa katawan.

Narito ang ilan sa mga panganib na puwedeng makaapekto sa kalusugan at kaligtasan ng mga gumagawa nito.

Nakakabahala! Mga posibleng panganib ng pagtulog na katabi ang cell phone

via fithog.com

1. Maaring pagmulan ito ng sunog

Hind man kapani-paniwala, maaring sumabog at makapagdala ng sunog ang ating mga telepono, Kapag naman nakalagay sa ilalim ng unan at sumabog, maaring masunog ang unan habang ikaw ay tulog.

Sa katunayan, may mga napabalitang insdente na kung saan ang pagsabog ng cell phone ang pinagmulan ng sunog.

2. Makakaapekto sa maayos na tulog

Kung ikaw naman ay isa sa mga taong mababaw matulog, malamang, maya't maya kang magigising kapag tumunog ang iyong telepono.

Ito rin ang pinagmumulan ng tinatawag na blue light na nakakaapekto sa tinatawag na circadian rhythm ng katawan.

Ang blue light na ito ay kagaya ng sinag ng araw kaya maaring makapagbigay ito ng instinct sa ating katawan na hindi pa kailangang matulog kaya kailangan patayin ang cell phones bago matulog.

3. Radiation

May mga pag-aaral pa sa ngayon kung ang sobrang pagka exposed sa cell phone ay makakapagdulot ng cancer ngunit napatunayan na na ang cell phone ay nakakapagdulot ng electromagnetic radiation habang nakaukas ito.

May inilabas ding babala ang World Health Organization tungkol sa panganib na maidudulot nito sa mga bata dahil mas manipis ang kanilang bungo.

Isang paalala mula sa amin sa KAMI, mas maigi nang nag-iingat kaysa magsisi sa huli.

Makeup For A Gym: Stay Awesome While Working Out | on BeKami

A certified makeup artist of MAC Philippines will create several new looks for our amazing coach Crystalle.

Do you want to learn everything about workout makeup? Click “Play” and enjoy the video!

Source: Kami.com.ph

Related news
May tyansa pa raw tamaan ng kidlat o bulalakaw kaysa manalo sa lotto, ayon sa 1 pagaaral

May tyansa pa raw tamaan ng kidlat o bulalakaw kaysa manalo sa lotto, ayon sa 1 pagaaral

May tyansa pa raw tamaan ng kidlat o bulalakaw kaysa manalo sa lotto, ayon sa 1 pagaaral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel