Ang hirap na daan na pinagdaanan ng mga Kapuso stars patungong kasikatan

Ang hirap na daan na pinagdaanan ng mga Kapuso stars patungong kasikatan

- Ikinuwento ng ilang Kapuso stars ang hirap na kanilang pinagdaanan bago pa man sila nagkaroon ng break sa showbiz

- Hindi lahat ng artista ay sinuswerte pagdating sa pagkamit ng kasikatan, ang iba ay kailangan pa ng butas ng karayom bago pa man makilala

- At ito nga ang naranasan ng apat na Kapuso artists na ngayon ay nagmamayagpag sa ilang mga shows sa GMA-7

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa Chika Minute ng '24 Oras' ng GMA news nitong Martes, July 18, 2018, binalita ang mga kwento ng iilan sa mga Kapuso stars ang pinagdaanan na paghihirap bago pa man sila makilala at mabigyan ng break.

Unang nakita naman ang kwento sa Balitambayan ng GMA News Online.

Ngayon, sisilipin ng KAMI ang nga Kapuso stars at ang kanilang pinagdaanan.

Andrea Torres

Ikinuwento ni Kapuso aktres Andrea Torres na marami na din siyang mga audition na sinalihan.

Isang beteranang commercial model muna siya bago tuluyang makapasok sa paging artista.

Saad niya:

"'Yung pressure na habang hinihintay ko 'yung results. Minsan ang dami ninyo biglang pakaunti nang pakaunti."

Dagdag pa ng aktres:

"Grabe rin 'yung ituturo na values nun sa iyo kung gaano mo panghahawakan 'yung dreams mo."

Bibida si Andrea sa bagong Kapuso primetime series ang 'Victor Magtanggol' na pinagbibidahan ni Alden Richards.

Dennis Trillo

Ang boyfriend naman ni Jennylyn Mercado na si Dennis Trillo ay nagsimula bilang isang commercial model din sa edad na 11 years old bago pa man nag-uwi ng mga best actor awards.

Ayon pa sa aktor, na diskubre daw siya habang namamasyal sa mall.

Subalit, pahayag niya na hindi daw lahat ng bagay ay madadaan lang sa good looks.

"Ilo-launch kayo 20 plus kayong artista tapos kailangan mong mag-standout o mapansin, 'yon'yung challenge sa iyo doon."

Kim Domingo

Ang isa sa pinaka hot at magandang Kapuso stars ay si Kim Domingo.

Ayon sa kanya, bago pa man umano iya napasama sa programa noon ni Willie Revillame bilang "money girl," ilang ulit siya naging extra sa mga shows sa telebisyon.

Siya yung isa sa mga talents na dinadaanan lang ng camera.

Natatawang pag balik-tanaw ni Kim:

"Dadaan lang ako [ng camera], sales lady mga ganoon ang role ko."

Dugtong pa niya:

"Naranasan ko 'yon dati tapos kakain ka sa labas, talagang walang puwesto yung mga talent."

Michael V

Ang loyal na Kapuso actor-comedian na si Michael V ay unang nakilala dahil sa pagsali niya sa isang contest sa 'Eat Bulaga.'

Ang comedy genius ay isang contestant pa la sa EB bago maging isang Dabarkad.

Napansin daw niya ang nagkaroon siya ng break nang nagbigay siya ng isang sketch presentation.

Dahil dito ay nabigyan siya ng exposure sa camera.

Pagbahagi pa niya:

"Mayroon silang segment noon parang sketch ang presentation pero trivia contest, so ginawa ko 'yun extra curricular walang bayad. Sige gawin lang natin,gusto ko lang nang exposure. Iyon luckily napansin."

Masasabi natin na ang mga kwento ng apat sa Kapuso stars na ito ay nagpapatunay na kapay may tiyaga ay talaga namang may nilaga.

Isang nakakatawang social experiment ang nagpawindang sa mga reaksyon ng mga kabataang Pinoy.

Panoorin at mag-enjoy!

Watch more HumanMeter videos on YouTube

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinay OFW, amo at mga anak nito nakaligtas sa bingit ng kamatayan sa Abu Dhabi!

Pinay OFW, amo at mga anak nito nakaligtas sa bingit ng kamatayan sa Abu Dhabi!

Pinay OFW, amo at mga anak nito nakaligtas sa bingit ng kamatayan sa Abu Dhabi!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel