Nurse na napadaan lang sa naaksidenteng sasakyan, nabigyan ng pabuya sa pag-first aid sa biktima

Nurse na napadaan lang sa naaksidenteng sasakyan, nabigyan ng pabuya sa pag-first aid sa biktima

- Isang nurse na nakilala na si Shaneen Grace Duterte ang nabiyayaan ng ₱20,000 mula ng Mayor Mandaue City

- Ito ay dahil sa pagresponde sa nadaanan lamang di umano ni Shaneen sa aksidente at dahil isa siyang nurse nalapatan niya ng paunang lunas ang biktima

- Labis na hinangaan si Shaneen ng mga netizens at tila napansin nila na ang apelyido niya ay 'Duterte' at ang biktima naman at 'Roa'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang aksidente ang naganap sa paanan ng Maguikay flyover sa Mandaue city noong Hulyo 16 at isang nurse ang napadaan lamang dito ngunit agad na rumesponde sa biktima.

Nalaman ng KAMI na ang nurse ay si Shaneen Grace Duterte na di nagdalawang isip na lapatan ng paunang lunas ang biktima na nakilala na si Reynald Roa. Kagagaling lamang ng duty ni Shaneen ng maganap ang aksidente.

Si Shaneen na rin ang tumawag ng ambulansya upang madala agad sa ospital si Reynald.

Dahil sa pagiging responsableng nurse ni Shaneen at pagpapakita ng malasakit sa kapwa, binigyan siya ng pabuya ng Mayor ng Mandaue na si Mayor Luigi Quisumbing at Vice Mayor Carlo Pontico. Nagkakahalaga ito ng ₱20,000.

Samantala, labis naman itong hinangaan ng mga netizens at tila napansin pa nila ang apelyido ng nurse at apelyido ng biktima na "Duterte" at "Roa".

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Thank u Grace "Duterte" for helping Reynald "Roa" ... what a coincidence on your surname"

"Passion with the profession...more blessings..more power maam.."

"Ang motto nang Airforce ay..Airforce all the way....ang sa Nurse ay...Nurse anywhere anytime....."

"You deserve that Ma'am...indeed you have a good heart"

"Congratulations madam Grace Duterte. May your tribe increase...."

"Wow. Kudos to this nurse!"

This awkward phone call leaves a bunch of strangers from the Philippines shocked and surprised. Are you interested to find out what the phone call is about? Awkward Phone Call Public Prank: The Funniest Reactions Ever | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Kalurkey! Nate Alcasid, natuklasan sa internet na kinasal ang daddy sa ninang Michelle niya

Kalurkey! Nate Alcasid, natuklasan sa internet na kinasal ang daddy sa ninang Michelle niya

Kalurkey! Nate Alcasid, natuklasan sa internet na kinasal ang daddy sa ninang Michelle niya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel