Biased daw kasi! Netizens, nanawagan na i-boycott ang Jacqueline Comes Home

Biased daw kasi! Netizens, nanawagan na i-boycott ang Jacqueline Comes Home

- Marami ang umalma sa pelikula tungkol sa Chiong sister case

- Ito ay mtapos nilang mapanood ang viral na documentary tungkol sa umano'y injustice sa isa sa mga nahatulang guilty ng krimen

- Umalma naman ang aktres na si Meg Imperial sa mga naging reaksiyon ng netizens na nanawagang i boycott ang kanilang pelikula

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging mainit ang talakayan ngayon online tungkol sa pelikulang pinagbibidahan ni Donalyn Bartolome at Meg Imperial na pinamagatang “Jacqueline Comes Home” na base umano sa r4pe-murder case ng Chiong Sisters sa Cebu.

Ayon sa mga netizens, base sa trailer nito ay tila pabor at panig lamang ng mga Chiong ang kanilang ipapalabas. Lalo din umanong madidiin ang diumano'y na frame-up lamang na si Francisco Juan "Paco" Larrañaga.

Sinasabing nawala ang magkapatid noong July 16, 1997. Sila Marijoy at Jacqueline ay dinukot diumano bandang alas 10 ng gabi. Ginahasa umano sila at itinapon sa bangin ngunit isang katawan lamang ang natagpuan.

Isang testigo na nagngangalang David Russia ang umamin na naging kasbwat umano ngunit idinin nito si Francisco Juan "Paco" Larrañaga at 6 pang kasamahan nito para magkaroon siya ng blanket immunity.

Nahatulan ng lethal injection ang pitong nasakdal noong 2004 matapos umanong lumabas sa imbestigasyon na si Marijoy ay umano ay namatay dahil sa brain hemorrhage (buhay ng itnulak sa bangin) at biktima ng r4pe ng iba't ibang lalaki.

Ngunit taong 2006 ng ma-abolish ang death penalty sa Piilipinas. At taong 2009 ng nilipat sa kustudiya ng Espanya si Paco dahil sa dual citizenship nito at ikinulong sa Madrid Central Penitentiary sa Soto del Real.

Sa lumabas na dokyumentaryo, lumalabas na sila Paco ay naging biktima ng unfair justice at mistrials, nagdusa sa kasalanang hindi nila ginawa ng hindi manlang nabigyan ng pagkakataong mapatunayan na sila ay inosente.

Lingid umano sa kaalaman ng nakararami ganito ang nangyari sa panahon ng paglilitis:

• Binigyan lamang ng kalahating oras ang kampo nila Paco na litisin ang testigo na si David Russia kahit pa ilang araw ang tinagal ng kabuuan niyang testimonya.

• Ayon kay David Russia ay ni minsan hindi pa siya nagkaroon ng anumang kaso ngunit napag-alaman ng kampo nila Paco na nakulong na ito dati sa kasong burglary at forgery.

• Ayon kay David Russia ay magkasama sila ni Paco noong gabing naganap ang krimen ngunit ayon sa imbistigasyon at mga ebidensya ay nasa Quezon City si Paco ng gabing iyon at nakikiparty sa mga kaibigan. May ilan ding tumistigo na nagsasabing nakita nila ng panahong iyon si Paco na kausap sila Marjoy at Jacquiline sa Ayala Center, dagdag pa nila ay ma gusto umano si Paco kay Marijoy at stalker niya ito.

Ilang larawan, patunay at testimonya ang nagpapatunay noon ngunit deneklara ng hukuman na “irrelevant” at kanilang ni-reject gaya ng mga sumusunod:

- 35 na tistigo kasama ang mga guro at kakalase niya sa CCA ang nagsabing nasa Quezon City si Paco ng mga oras na naganap ang krimen at may mga ebidensya pa na nakikisaya siya sa mga kaibigan niya hanggang sa mag-uumaga.

- Ang security guard logbook ng condominium ni Paco sa Quezon City ay may lagda ng pagdating niya duon ng 2:45 am ng July 17.

- Dalawang instructor pa ng CCA ang nagsabi na kumuha pa ng midterm exams si Paco 8:am hanggang 1:30 pm ng July 17.

- Kinompirma ng Philippine Airlines na tanging 5:00 pm ng July 17 nagkaroon ng flight si Paco mula Manila to Cebu.

- Ayon kay Paco ay hindi niya kalapit si David Russia at nakilala niya lang ito ng tumistigo na ito laban sa kanya.

Ang dokumentaryong 'Give up tommorrow' ay isinagawa umano noong taong 2011-2012.

Nagkaroon din ng haka-haka na buhay si Jacqueline at Marijoy Chiong at nasa ibang bansa ngunit ayon naman sa iba ay hindi ito totoo.

POPULAR: Read more Viral news here

Makeup For A Gym: Stay Awesome While Working Out | on BeKami

A certified makeup artist of MAC Philippines will create several new looks for our amazing coach Crystalle.

Do you want to learn everything about workout makeup? Click “Play” and enjoy the video!

Source: Kami.com.ph

Related news
Honesty store at PNP Manila office gets robbed by 'dishonest' patrons

Honesty store at PNP Manila office gets robbed by 'dishonest' patrons

Honesty store at PNP Manila office gets robbed by 'dishonest' patrons
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel