Binatilyo na naglakad ng halos 5 oras papuntang trabaho, niregaluhan ng boss niya ng kotse

Binatilyo na naglakad ng halos 5 oras papuntang trabaho, niregaluhan ng boss niya ng kotse

- Isang binatilyo ang nagdesisyong maglakad nang malamang sira ang kotse nito at ayaw niyang mawala sa unang araw niya ng trabaho

- Nakilala ang binatilyo na si Walter Carr na sadyang determinado sa unang araw ng trabaho kaya kahit alam niyang aabutin siya ng 7 oras sa paglalakad ay sinimulan pa rin niya ito ng hatinggabi

- Labis na humanga sa kanya ang kanyang boss dahil narin sa pinakitang ugali ni Walter sa trabaho kaya naman bilang pabuya binigay mismo ng boss ang sarili niyang kotse kay Walter

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Usap-usapan ngayon ang ibang klaseng determinasyon ng binatilyong si Walter Carr kung saan di nagdalawang isip na maglakad huwag lamang mawala sa unang araw ng kanyang trabaho.

Nalaman ng KAMI na nasira pala ang kotse ni Walter at dahil unang araw niya ng trabaho sa Bellhops moving company, inisip na niyang lakarin ito kahit pa ang sinasabi ng cellphone app na marahil abutin siya ng 7 oras sa paglalakad.

Ayon pa sa CNN, hindi ito naging hadlang kay Walter at nagsimula siyang maglakad bandang 11:40 ng gabi. Ganap na 4 na ng umaga nang madaanan siya ng nagpa-patrol na si Mark Knighten. Napansin agad ni Mark si Walter na noon ay naghahabol pa ng hininga sa pagod ng paglalakad.

"Less than a minute from hearing his story, we were like, wow, this kid seems determined," kwento ni Mark.

Binatilyo na naglakad ng halos 5 oras papuntang trabaho, niregaluhan ng boss niya ng kotse

image: CNN

Kaya naman pinakain ni Mark at ang kanyang kasama na magpatrolya si Walter ng almusal at pinabaunan pa nila ito ng tanghalian. Matapos ito, dinala nila si Mark sa isang simbahan para doon makapahinga bago ang simula ng kanyang trabaho sa ganap na 8 ng umaga.

Nang magsimula na ulit siyang maglakad patungo sa mismong trabaho, nadaanan muli siya ng isang patrol car at muli siyang pinasakay at iti na ang naghatid sa kanya sa bahay mismo ni Jenny Lamey.

Nang malaman ni Jenny ang kwento ni Walter inalok niya itong magpahinga muna ngunit tumanggi ang binatilyo na minabuting simulan na ang trabaho.

Sa labis na pagkamangha ni Jenny sa ginawa ni Walter, binahagi niya sa pamamagitan ng isang facebook post ang nakaka-inspire na determinasyon ni Walter.

Samantala, labis namang naging proud ang CEO ng Bellhops moving company. Dahil sa pinamalas na ugali ni Walter sa trabaho na dapat lamang daw pamarisan ng iba pang empleyado, binigay mismo ni Luke Marklin ang kanyang 2014 Ford Escape kay Walter.

This awkward phone call leaves a bunch of strangers from the Philippines shocked and surprised. Are you interested to find out what the phone call is about? Awkward Phone Call Public Prank: The Funniest Reactions Ever | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Honesty store at PNP Manila office gets robbed by 'dishonest' patrons

Honesty store at PNP Manila office gets robbed by 'dishonest' patrons

Honesty store at PNP Manila office gets robbed by 'dishonest' patrons
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel