Pakistani driver, matatas magsalita ng wikang Filipino at nakakapag-tongue twister pa na tagalog

Pakistani driver, matatas magsalita ng wikang Filipino at nakakapag-tongue twister pa na tagalog

- Viral ngayon ang video ng isang driver na Pakistani national na nagtatrabaho sa Dubai

- Matatas itong magtagalog at alam din niya ang mga kasabihan, expressions at maging tongue twisters sa ating wika

- Natuto raw siyang mag-tagalog sa kanyang mga pasahero dahil 'tsismoso' raw siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Good vibes talaga ang viral video ng isang Pakistani driver sa Dubai na matatas mag-tagalog.

Nalaman ng KAMI na ang driver ay si Hussein na purong Pakistani kaya naman nakamamangha ang galing niya sa pagsasalita ng tagalog.

Tinanong siya ng pasahero niyang Pinoy kung saan siya natutong magtagalog. Sinabi ni Hussein na dahil lamang din ito sa mga pasahero niyang Pilipino.

Nakakatuwa dahil marunong siyang magsalita ng 'Pak Ganern' 'Edi Wow' at binati pa niya ang pasahero niyang Pinoy ng "Maligayang Pasko at Manigong Bagong taon" ang pasahero dahil sa malamang kinunan ang video nang panahon ng kapaskuhan.

Narito ang video na nakuha ng KAMI mula sa Youtube:

Marami ring alam si Hussein na lugar sa Pilipinas. Alam niya na ang mga Ilonggo ay malalambing, Ilocano raw ay kuripot, Kapampangan mayabang daw o matapang at marami pang iba.

Pati ang mga tongue-twisters ay alam na alam niya gaya ng “Pitumput-pitong puting tupa”, “Nakakapagpabagabag”, “Pinitikpitik ni Pakita ang pitaka ni Pakito”, at “ Minikaniko ni Monico ang makina ni Monica”.

Sinabihan pa niya ang pasahero niyang Pinoy na "huwag gagawa ng kalokohan, sumbong kita kay Duterte!" na labis pang ikinatuwa ng pasahero.

Gulat na gulat ang pasahero kaya naman tinanong niya kung paano niya nakilala ag ating pangulo. Ayon kay Hussein, nalaman daw niya ito sa Youtube.

10 taon na raw ang driver sa Dubai at nagbiro pa siya ng wala siyang ipon kundi 'balbas at bigote' lamang.

Sa huli, maayos na nagpaalam ang driver, at bumati muli ito ng 'Maligayang pasko!'

This awkward phone call leaves a bunch of strangers from the Philippines shocked and surprised. Are you interested to find out what the phone call is about? Awkward Phone Call Public Prank: The Funniest Reactions Ever | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, aliw na aliw sa internet memes na introduction daw ng Ms. Universe candidates

Netizens, aliw na aliw sa internet memes na introduction daw ng Ms. Universe candidates

Netizens, aliw na aliw sa internet memes na introduction daw ng Ms. Universe candidates
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel