Bwisit ang isang foreigner at asawang Pinay sa umano'y pangongotong ng isang Manila traffic enforcer

Bwisit ang isang foreigner at asawang Pinay sa umano'y pangongotong ng isang Manila traffic enforcer

- Nahuli ang mag-asawang sina Ernalyn Eugenio at Albert dahil sa coding violation nitong nakaraang Linggo sa kahabaan ng Blumentritt

- Ni-record ni Ernalyn ang kanilang pahihintay sa ticket at sa pangongotong ng Manila traffic enforcer ng 2 libong piso

-Naging viral ito sa social media matapos na i-upload ng Pinay at ng kanyang asawa ang video ng pangyayari

Naging viral ngayon sa social media ang cellphone video ng umano'y pangongotong ng isang 'di pa nakikilalang traffic enforcer sa Maynila. Kinuha ng isang Pinay na si Ernalyn Gacosta Eugenio ang video habang kasama ang Amerikanong asawa na naghihintay sa loob ng kanilang sasakyan. Ito'y nangyari bandang tanghali ng Linggo, July 15, 2018.

Nalaman ng KAMI sa video na halatang naiinip na ang mag-asawang sina Albert at Ernalyn sa kanto ng Aurora boulevard at Blumentritt, sa pagnanais na mapabilis na ang pagbibigay sa kanila ng ticket dahil sa coding violation.

Pagkatapos makumpleto ang mga detalye ng nasabing ticket ay agad namang iniabot ng traffic enforcer sa mag-asawa ang violation ticket at lisensya ng foreigner.

Bago pa nito, binabalak na talaga ng mag-asawa na bayaran na lang ang violation para makaalis na at mahabol ang kanilang lalakarin.'Di umano ay hindi kaagad nakunan ng video ang simula ng umanong panunuhol ng 2 libong piso sa mag-asawa.

Ayon pa sa ulat ng Aksyon News 5, wala palang kamalay-malay si Albert na pangongotong na ang ginagawa ng nasabing traffic enforcer. Nang maibigay ang violation ticket at lisensya, agad na utos ng traffic enforcer, "You pay."

Umabot pa sa pagtatalo ang traffic enforcer at ang foreigner nang tanungin ni Albert, "We need a receipt saying we gave you two thousand." Nakisali na rin si Ernalyn nang sabihing, "Kailangan kasi niya ang two thousand [na] receipt niya."

Agad namang bumanat ang enforcer, "Okay po, ayan 'yung bayad niyo. Wala po tayong resibo, ayan po ticket natin."

Dagdag pa niya, "It's aregluhan. That is areglo. Aregluhan po ma'am 'yun. Kung okay lang 'di ba? Para hindi na po siya magpunta sa [Manila] City Hall." Dito na napag-alaman na ang traffic enforcer ang nagtakda ng halagang 2 libong piso.

Sinubukan pang tumawad ni Ernalyn nang tanunging, "Wala na pong tawad, kahit one thousand o one-five [1500]?"

Hindi pumayag ang traffic enforcer at agad na lang hinayaan ng dalawa ito habang pinapaklama ni Ernalyn ang asawa, "It's okay baby love, we don't have time, really."

Matapos nito ay galit na galit na nagmura ang dayuhan habang paalis na sila ng asawa. Narito ang video ng buong pangyayari:

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang nasabing traffic enforcer ukol sa isyung pangongotong. Pati ang hepe ng Manila Parking and Traffic Bureau ay hindi pa nagbibigay ng statement ukol sa pangyayari.

Ayon kay Albert, ngayon lang daw niya naranasan ang ganitong insidente sa Pilipinas at aniya, nahihiya raw ang asawa niyang si Ernalyn dahil nangyari ito sa kanyang bansang kinalakhan.

Panoorin sa ibaba ang video ng report na kinunan ni Albert na inupload sa kanyang YouTube channel:

Source: Kami.com.ph

Related news
Kalurkey! Nate Alcasid, natuklasan sa internet na kinasal ang daddy sa ninang Michelle niya

Kalurkey! Nate Alcasid, natuklasan sa internet na kinasal ang daddy sa ninang Michelle niya

Kalurkey! Nate Alcasid, natuklasan sa internet na kinasal ang daddy sa ninang Michelle niya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel