Kamayan talaga! Pinay chef, proud na naghanda ng isang 'boodle fight' sa France

Kamayan talaga! Pinay chef, proud na naghanda ng isang 'boodle fight' sa France

- Isa nang ganap na chef ngayon si Erica Paredes ang anak ng singer na si Jim Paredes

- Proud na proud siyang naghanda ng isang 'kamayan' o boodle fight sa piling mga bisita niya sa France

- Kabilang sa mga nakisalo sa kanya si Megan Young na hindi raw agad nakilala ni Erika

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Patok na patok sa mga salo-salo nating mga Pilipino ang boodle fight. Isa na itong maitututring na tradisyon kung saan sabay sabay, tabi tabing kakain sa isang mahabang mesa at ang mga pagkain ay nakahanda sa ibabaw ng mga dahon ng saging. Kakain nang nakakamay ang mga bisita na siyang nakadagdag ng pagka-pinoy nito.

Nalaman ng KAMI na isang Pinay chef ang nagdala ng Pinoy-style eating na ito sa France. Siya ay walang iba kundi si Erica Paredes na anak ng kilalang batikan na singer na si Jim Paredes.Kwento ni Erica, nagsimula daw ang paghahanda niya ng boodle fight sa France nang minsang kinantsawan siya ng kanyang mga kaibigan na magpakain ng ganitong istilo ng handaan.

Buong puso naman itong ginawa ng chef at labis naman na ikinatuwa ng kanyang mga kaibigan at sobrang nagustuhan nila ang mga pagkain na hinain ni Erica.

“I’ve already been doing French-Filipino/Asian fusion dinners, and one day I was asked by my small group of Pinay girlfriends to do a boodle fight for one of our get-togethers,” ani Erica.

Mula noon, naiimbitahan na siya ng iba't ibang grupo na ipaghanda raw sila ng isang boodle fight ni Erica. Dito niya nakuha ang konsepto na gawing negosyo ang napakasayang istilo ng handaan na ito ng mga Pilipino.

Tinawag niya itong Baguettes and Berets "“It’s like restaurant quality food but in a less intimidating setting,” dagdag pa ni Erica.

Dahil dito, proud na proud naman ang kanyang daddy na si Jim Paredes sa pinasok na kakaibang negosyo ng kanyang anak.

Samantala, sa isang private kung saan naghanda rin siya ng isang boodle feast, di niya nakilala agad si Megan Young. Tila ay namukhaan niya ito ngunit di lang niya alam kung saan.

Dating nagtrabaho sa isang publishing company si Erica bago siya naging chef.

Nang lumipat siya sa France, dun niya buong pusong tinahak ang culinary at maging isang chef.

This awkward phone call leaves a bunch of strangers from the Philippines shocked and surprised. Are you interested to find out what the phone call is about? Awkward Phone Call Public Prank: The Funniest Reactions Ever | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, aliw na aliw sa internet memes na introduction daw ng Ms. Universe candidates

Netizens, aliw na aliw sa internet memes na introduction daw ng Ms. Universe candidates

Netizens, aliw na aliw sa internet memes na introduction daw ng Ms. Universe candidates
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel