"Takot ako eh!" Kris Aquino takot umano sa numero 21!

"Takot ako eh!" Kris Aquino takot umano sa numero 21!

- Ayon sa balita, sa loob daw ng tatlumpu't limang taon ng buhay niya ay may isang bagay na kinatatakutan ang Queen of All Media

- Ito nga daw ay ang numero 21, at bahagi pa niya, hindi umano siya bumabyahe at umaapak sa airport, o maski magpaschedule ng kahit ano sa petsa na ito sa buwan

- Kahit anong buwan man ito basta ang petsa ay 21 ay natatakot daw siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon pa sa balita na inihatid ng PEP, natanto daw ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang isang bagay na kinatakutan niya.

Ito ay isang numero sa kalendaryo sa kahit anong buwan an ayaw na ayaw niya talaga at hindi siya nagpapaschedule na kahit na ano pag ito ang petsa ng buwan.

Napag-alaman ng KAMI na may takot pa la ang 'I Love You Hater' star sa numero na 21.

Saad pa niya:

“For 35 years of my life, I’ve had 1 FEAR — the number 21. Hindi po ako bumabyahe, umaapak ng airport, nag-e-schedule ng anything significant basta ang petsa ng buwan ay 21."

Pero pagbawi niya:

“Pero pwede palang mabago ng ‘Minsan Okay Lang Ma-Traffic’ ang tingin ko sa 21...”

Matatandaan na pinaslang ang kanyang ama na si Ninoy Aquino noong Agosto bente uno o August 21.

Sa panahon na iyon ay dose anyos pa lang si Kris Aqino.

Dagdag pa nito, Setyembre 21 or September 21 ay idineklara ang Martial Law.

Paglalahad pa ng Queen of All Media:

“Ito yung mas nakakakilabot. My mom was 38 when she had me, and I was 38 when she died."

Pagpapatuloy na pagbahagi ng aktres, TV host, at endorser:

“50 ang Dad ko when he died. 50 si Noy when he became president.”

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ng former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

POPULAR: Read more news about Kris Aquino here

Isang nakakatawang social experiment ang nagpawindang sa mga reaksyon ng mga kabataang Pinoy.

Panoorin at mag-enjoy!

Watch more HumanMeter videos on YouTube

Source: Kami.com.ph

Related news
Video ng pananakit ni Vhong Navarro kay Vice Ganda backstage, nag-viral

Video ng pananakit ni Vhong Navarro kay Vice Ganda backstage, nag-viral

Video ng pananakit ni Vhong Navarro kay Vice Ganda backstage, nag-viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel