Domestic Helper sa Italy, Asensadong halo-halo business owner na ngayon!

Domestic Helper sa Italy, Asensadong halo-halo business owner na ngayon!

- Pagkatapos maghirap sa pagtatrabaho sa Italy ay umuwi sa Pinas ang OFW na si Ben Pasco at nagtayo ng kanyang sariling negosyo

- Hindi naging madali ang pag-umpisa niya sa negosyo dahil madami ding itong mga pagkabigo na dinanas bago pa man makamit ang asenso

- Nalugi ang sinumulang negosyo pero hindi ito dinaig ng kanyang kagustuhan para umasenso sa buhay at hindi naman nabigo ang dating DH sa Italy dahil ngayon mayroon ng 29 branches ang kanyang negosyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Unang saad ng dating domestic helper na si Ben Pasco sa panayam niya sa 'Entreprener Philippines' na binahagi naman ng Smart Parenting, kung saan una naming naispatan ang magandang kwento ng dating OFW, na ngayon ay isa ng asensadong businessman:

“Domestic worker talaga. Literal, nagta-trabaho ka sa bahay sa loob ng anim na taon na hindi naman ako makalabas kasi nga at that time ako ay TNT na."

Nalaman din ng KAMI na unang nagtrabaho si Ben sa Taiwan noong 1999 bilang maintenance engineer pagkatapos magtapos sa kursong Electrical Engineering sa 'Technological University of the Philippines.'

Dahil sa amnestiya na ibinigay ng Italian government ay naging legal na immigrant worker siya sa nasabing bansa.

Pagbahagi niya, ang gusto niya ay 15 years lang siya mananatili sa nasabing bansa at napagtanto niya kung ano ang gagawin niya pagkatapos.

“Sabi ko nga 15 years lang ako [sa ibang bansa]—hanggang doon lang ako. So ‘pag gusto kong umuwi bago mag-15 years, ano ‘yung gagawin ko? So nag-ipon ako nang nag-ipon."

Dagdag na kwento niya:

“Kasi mahirap naman talaga ang buhay sa Italy. Doon kasi wala ka talagang ibang gagawin kundi magtrabaho nang magtrabaho—kung may pangarap ka. Kasi kung wala at kuntento ka lamang, sapat na yung isang trabaho mo, pero pangsarili mo lang."

Kaya naman nagpursige siya na makapag-ipon at umuwi sa Pinas.

Hindi madali ang lahat dahil una niyang sinabak na negosyo ay ang bakeshop na hindi niya inalintana ang mga bagay na dapat niyang tingnan sa pagpatayo ng naturang negosyo.

Nag-umpisa siya sa capital na 250,000 pero nagclose ang nasabing negosyo pagkatapos lang ng anim na buwan.

Subalit ang pagnanais niya na manatili sa bansa ay mas higit pa sa failure ng unang business niya, sambit niya:

“Kasi ayoko na talagang bumalik sa Italy eh."

Pagkatapos malikom ang 100,000 sa pagbibinta ng kanyang mga equipment sa dating bakeshop ay nag-umpisa siya ng bagong negosyo.

At ito nga ay ang halo-halo store sa parehong lugar kung saan nakatayo dati ang kanyang bakeshop.

Kalaunan ay lumago ang kanyang negosyo at nagkaroon ito ng 29 branches na isa ay company-owned branch.

Pagtatapos ng pagbahagi niya:

“Maraming taga-ibang bansa nga ang nag-iinvest dito, naisip ko bakit hindi tayong mga Pilipino ang mag-invest at magnegosyo dito? "

Isang nakakatawang social experiment ang nagpawindang sa mga reaksyon ng mga kabataang Pinoy.

Panoorin at mag-enjoy!

Watch more BeKami videos on YouTube

Source: Kami.com.ph

Related news
Buwis buhay para sa friendship! 2 Pinay, tinulungan ang kaibigan nilang ikinulong ng amo

Buwis buhay para sa friendship! 2 Pinay, tinulungan ang kaibigan nilang ikinulong ng amo

Buwis buhay para sa friendship! 2 Pinay, tinulungan ang kaibigan nilang ikinulong ng amo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel