Ayaw ng pabayad! Duterte, iginiit na hindi raw nanghingi ang China ng kapalit sa mga libreng tulay

Ayaw ng pabayad! Duterte, iginiit na hindi raw nanghingi ang China ng kapalit sa mga libreng tulay

- Kinumpirma ng Pangulong Duterte na walang kapalit ang libreng pa-tulay ng China

- Natapos kahapon ang groundbreaking ceremony ng Binondo-Intramuros at Estrella-Pantaleon bridges at nagbahagi ng saloobin ang Chinese ambassador to the Philippines na si Zhao Jianhua

- Sisiguruhin daw ni Du30 at ng kanyang economic team ang pagpapatibay ng economic relations at ng matatag na pagkakaibigan ng dalawang bansa upang hindi malugmok sa malaking utang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Pangulong Duterte kahapon, Martes, na wala raw hininging property o kahit anong lupain ang gobyerno ng China mula sa Pilipinas.

Iginiit ni Duterte na personal niyang nakaharap at nakasalamuha ang pangulo ng China na si President Xi Jinping, at kanilang napag-usapan ang maraming mga kooperasyon at tulong-kaibigan ng ating mga bansa.

Nalaman ng KAMI nang kumpirmahin mismo ng pangulo matapos siyang tanungin ukol sa Pasig River connecting bridges na ipatatayo ng libre ng China at sa katatapos lang na groundbreaking ceremony nito.

“Personally I’ve been to China. I have talked to the leadership of the government and have had the honor of meeting President Xi (Jinping) and talked about a lot about friendships and cooperation,” Duterte said in his speech.

Dagdag pa niya, mula sa panayam ng PTV News, “I just like to tell everybody that in all of these discussions, China never asked for any, not even a one square of real estate in this country.”

Bukod pa rito, magkakaroon pa raw sila ng panahon upang pag-usapan at bigyang-pansin ang landmark Hague Ruling ukol sa South China Sea disputes sa pagitan ng bansa at ng China.

“We will discuss this at some other time, as China has to deal with individually bilateral relations and issues. We will allow them the sufficient period to sort out things and I’m sure that in the end, China will be fair and the equity will be distributed.”

Sa ngayon, ayon sa Pangulo, mas paiigtingin pa ng dalawang bansa ang economic efforts na nasimulan matapos ang sunud-sunod na business trips ni Duterte sa China kasama ang economic team at malalaking negosyante.

Siniguro naman ng Chinese Ambassador to the Philippines na si Zhao Jianhua na hindi dadayain ng China ang Pilipinas sa isang 'debt trap' na maaaring magpalugmok sa ating ekonomiya.

Samantala, aming tinanong ang ilang mga Pinoy kung paano isalin sa Ingles ang mga binigay na pangungusap sa Filipino. Alamin sa Tricky Questions. - sa KAMI HumanMeter Channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Honesty store at PNP Manila office gets robbed by 'dishonest' patrons

Honesty store at PNP Manila office gets robbed by 'dishonest' patrons

Honesty store at PNP Manila office gets robbed by 'dishonest' patrons
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel