Pauleen Luna-Sotto nawindang sa mga malalaking bituin nakita sa Wimbledon Match

Pauleen Luna-Sotto nawindang sa mga malalaking bituin nakita sa Wimbledon Match

- Hindi nga magkandaugaga si Pauleen Luna-Sotto dahil sa mga malalaking bituin na dumagsa sa Wimbledon Match

- Sa Instagram posts ng misis ni Bossing Vic Sotto ay halatang na star struck ang aktres at Eat Bulaga host dahil sa kumikinang na mga artista na dumalo sa nasabing laro

- Kaya naman bibong bibo at excited na binahagi din ito sa kanyang mahigit na 2 million followers sa IG

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naispatan namin ang awe-struck moment na pagkafan girl ng butihing maybahay ni Bossing Vic Sotto na si Dabarkad Pauleen Luna sa Insta Scoop ni Fashion Pulis.

At sa mga litrato na nakita namin dito sa KAMI sa Instagram page ni Poling ay talaga namang mawiwindang ka at hindi ka magkandaugaga sa pagkuha ng mga litrato sa mga kilala at malalaking mga bituin na nakikita mo lang sa TV at sa movie screen.

Isang ingrading bakasyon sa Europe ang ginawa ng mag-asawang Pauleen Luna at Vic Sotto at tila ito ay isang regalo mula kina Mr. and Mrs. Tuviera ng TAPE Office dahil na din sa caption ni Poling sa kanyang IG posts.

Isa sa kanilang itineraries ay ang pagwitness sa Wimbledon Match kung saan maraming mga malalaki at sikat na mga bituin sa pelikula ang nandoon pati na rin ang Duke at Duchess ng Cambridge na sina Prince William at Kate Middleton.

Kahit tayo naman siguro ay talagang hindi magkaundagaga sa pagkuha ng mga litrato at literal na masastarstruck.

Tingnan ang mga snaps na binahagi ni Poling sa kanyang social media page sa baba.

Sa taas na litrato ay makikita ang aktor na si Tom Hiddleston sa unang picture na sumikat ng husto sa karakter niya bilang si Loki at pinag-usapan din na maging ex-beau ni Taylor Swift.

Si Hugh Grant naman na kilala sa kanyang papel sa Notting Hill ay nandoon din at nanonood.

Ang nasa ikatlo na photo ay si Eddie Redmayn na notable sa kanyang mga karakter sa pelikula gaya ng 'The Theory of Everything,' 'Les Misérables,' 'The Danish Girl,' at 'Fantastic Beasts and Where to Find Them.'

At si Doctor Strange na si Benedict Cumberbach na katabi ni Eddie Redmayn.

Sa huli na litrato ay ang royal couple na sina Prince William at Kate Middleton.

Pero tila mas na awe-struck si Poling kay Duchess of Cambridge Kate Middleton dahil na din sa angking kagandahan nito.

Isang nakakatawang social experiment ang nagpawindang sa mga reaksyon ng mga kabataang Pinoy.

Panoorin at mag-enjoy!

Watch more HumanMeter videos on YouTube

Source: Kami.com.ph

Related news
Kalurkey! Nate Alcasid, natuklasan sa internet na kinasal ang daddy sa ninang Michelle niya

Kalurkey! Nate Alcasid, natuklasan sa internet na kinasal ang daddy sa ninang Michelle niya

Kalurkey! Nate Alcasid, natuklasan sa internet na kinasal ang daddy sa ninang Michelle niya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel