Kris Aquino at Julia Barretto, nag-usap sa comments section kung sino ang dapat sisihin sa box office ng pelikula nila

Kris Aquino at Julia Barretto, nag-usap sa comments section kung sino ang dapat sisihin sa box office ng pelikula nila

- Nag-comment si Kris Aquino na siya dapat ang sisihin sa box office performance ng movie nila ni Julia Barretto

- Nag reply naman si Julia para depensahan si Kris

- Dahil dito, sinabi ng Queen of All Media na naiyak siya sa pagdepensa sa kaniya ng co-star niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sinabi na ni Kris Aquino na kung pumalpak ang box office ng comeback movie niya na “I Love You Hater,” siya raw ang dapat sisihin ng publiko.

Nalaman ng KAMI na nag-react na ukol dito si Julia Barretto, ang co-star ni Kris sa pelikula.

Unang sinagot ni Julia sa comments section ng kaniyang Instagram post ang isang netizen na nagtatanong kung si Kris ba ang sumira ng movie nila. Tinanggi ito ni Julia, ayon sa PEP.ph.

Kris Aquino at Julia Barretto, nag-usap sa comments section kung sino ang dapat sisihin sa box office ng pelikula nila

Screenshot from PEP.ph

Nag-comment naman ukol dito ang Queen of All Media, na nagsabing gusto niyang protektahan si Julia at ang love team partner niyang si Joshua Garcia kaya niya sinabing siya na lang ang sisihin kung maging flop ang movie. Sa naunang report ng KAMI, ipinakita ang post ni Kris ukol sa pag-ako niya sa performance ng “I Love You Hater.”

Kris Aquino at Julia Barretto, nag-usap sa comments section kung sino ang dapat sisihin sa box office ng pelikula nila

Screenshot from PEP.ph

Nag reply naman si Julia sa comment ni Kris. Ayon sa dalaga, walang dapat sisihin sa box office performance dahil lahat sila ay nagtrabaho ng buong puso sa pelikula at maganda ang reviews ng pelikula.

Kris Aquino at Julia Barretto, nag-usap sa comments section kung sino ang dapat sisihin sa box office ng pelikula nila

Screenshot from PEP.ph

Sinabi rin niya kay Kris na maraming tao ang nagmamahal sa kaniya.

Dahil sa sweet na mensahe ni Julia, nag-komento si Kris na naiyak siya nang basahin ito.

Kris Aquino at Julia Barretto, nag-usap sa comments section kung sino ang dapat sisihin sa box office ng pelikula nila

Screenshot from PEP.ph

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ng former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

POPULAR: Read more news about Kris Aquino here!

This awkward phone call leaves a bunch of strangers from the Philippines shocked and surprised. Are you interested to find out what the phone call is about? How come these strangers are so shocked after hearing it? This video presents the reactions of many strangers after hearing what the man is talking about on the phone. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Di nakapagpigil! Arnell Ignacio takes cudgels for Regine Velasquez against bashers who insinuated Songbird's in it for money

KAMI.com.ph
Mailfire view pixel