Kris Aquino matapang na inakong siya ang may sala sa diumano'y mababang kita ng 'I Love You, Hater'

Kris Aquino matapang na inakong siya ang may sala sa diumano'y mababang kita ng 'I Love You, Hater'

- May mga lumabas na balita na hindi gaanong maganda ang resulta ng "I Love You, Hater" nina Kris Aquino, Joshua Garcia at Julia Barretto

- Unang sabak pa lang ng tatlong 'to together at comeback movie na rin ni Kris under ABS-CBN

- Inako ngayon ng Queen of All Media na siya raw ang sisihin at ang may sala sa kung anuman ang naging kita ng pelikula

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maraming umabang sa comeback movie ni Tetay na "I Love You, Hater" kung saan kasam niya ang sikat na love team na Joshua Garcia at Juli Barretto.

Pero kahit na maganda ang storyline, may mga report na lumabas na mababa ang turnout ng mga manonood.

Nalaman ng KAMI na sinasabi ng iba na hindi raw sinuportahan nang mabuti ng ABS-CBN ang pelikula kung kaya't ganoon ang naging resulta.

Kris Aquino matapang na inakong siya ang may sala sa diumano'y mababang kita ng 'I Love You, Hater'

Kris Aquino matapang na inakong siya ang may sala sa diumano'y mababang kita ng 'I Love You, Hater' (Photo: ABS-CBN)

Sa isang mahabang post, nag-explain si Kris Aquino na hindi raw kasalanan ng ABS-CBN ang resulta ng pelikula.

Hindi rin daw ito kasalanan ng JoshLia. Dito na inako ni Kris na siya ang dahilan sa kung anumang resulta ng pelikula nila.

Isinalaysay ni Kris ang lahat lahat sa mga post niya.

"Warning Mahaba: hindi po ako humingi ng favors for “ i love you hater” because at this point- ayokong ilagay ang tinuturing kong KONTI pero totoong kaibigan sa alanganin. #satruelang i was disappointed sa 1st 2 days kasi ‘di nakakahiya yung finished product & i gave all to #Sasha. Mostly ayokong sirain ang box office track record ng #joshlia. Then Friday, 1 by 1 nag send ng pics through iMessage & Viber lahat ng kusang nanuod, mga barkada at pamilyang sabay2 nagbayad at nanuod. Then today habang binabantayan si kuya- may friend akong simpleng nagsabi na may pa block screening sya next week; may kaibigan na nanlibre ng staff of 20 para bonding nila, may mayor na pina happy ang constituents nya, may friends na umuwing Nueva Ecija & 18 silang nanuod, companies na nagpa abot regarding how many tickets they reserved for their employees. A designer friend said treat nya lahat ng workers nya to watch tomorrow, a PR company KCAP works with reserved 4 block screenings. 2 big bosses messaged last night to say they made time to watch. More friends & companies bought block screenings but their marketing bosses watched today w/ their families. Tapos dito ko naluha- 1 exceptional true friend simply messaged me- she bought 20 block screenings for her workers & their families in SM Cinemas next week... Di ako makapag SHARE ng lahat ng PAIN na tinago ko mula July 6 hanggang ngayon - dahil hindi lahat ng battles i fight you need to know (this time not for the Aquino name but for simply my name & copyrighted/trademarked signature KRIS) itinago dahil pinromise kay God at sa mga lawyers na shut up muna ako... Pero sa lahat ng nagparamdam na nasaan man ako nakatayo- my whole HEART says THANK YOU for making me feel #loved. (Lastly publicly nag so-sorry ako sa core group ng fans ko- the #KrisyGirls. Hard earned money yung pinang block screening nila nung Thu 3 PM pero 160/105 ang BP ko- palipad nung gabi. Marami akong nabasang statements sa group chat namin- ibang paratang tagos sa buto yung sakit. Nagpunta si kuya & bimb pero wala ako. Nanay ako kaya nag delete ng mesenger kasi panahon na lang ang makaka solve ng mutual pain namin.)"

"I cannot name the place nor the family- pero ito yung niregalo sa kin today ng isang totoong kaibigan... walang exag- naiyak kami ni Ate. I sent her the pics. From 2010 to 2016- WALA silang napakinabangan sa min at all - pero hindi sila ever pumalya. Regular ang kamusta, regular ang pagpadala ng pagkain, hindi nagbago ang pagtingin... Kung pwede ko lang pagsigawan para maka THANK YOU. Pero alam na ni God kung gaano kahalaga itong ginawa nya para sa ‘kin. Sabi nga ng Ate ko: these are the moments that will always remind you that TRUE FRIENDS REALLY EXIST. Sana nga talaga bilog ang mundo- para mabigyan ako ng chance na masuklian ang pagmamahal at no questions asked na suportang pinaramdam nila sa kin. #loved (to my supporters- i have 1 request- ako na naman kasi ang mabubutasan pag bi-nash nyo ang ABS CBN dahil sa ramdam ninyong hindi sila sumuporta sa “i love you hater”... Ibalato nyo na po sa ‘kin. Nasabi ko naman na buong buo ang loob at paninindigan-inaako ko ang kinalabasan ng kita ng “i love you hater” - kaya kong gawin yun dahil mahabang mahaba pa ang journey ni @garciajoshuae & @juliabarretto. They don’t deserve to suffer for having worked w/ me... Mahusay na director si @igisellle & naging mabuti ang trato sa kin ng mga naka trabaho ko sa @starcinema... To paraphrase the dialogue of Sasha: You cannot force someone to love you. You can only choose to keep on loving. So now as Kris- i’ve learned to choose the path of courage, peace & dignity.) #laban"

Ayan ang mensahe ni Kris. Makikitang inako na niya lahat. Wag na raw sisihin ang ABS-CBN o ang JoshLia.

Tricky Questions: Can you translate this into English? on Kami YouTube channel This video shows the ability of Filipinos to translate sentences hurled at them into the universal English language.

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinay OFW, amo at mga anak nito nakaligtas sa bingit ng kamatayan sa Abu Dhabi!

Pinay OFW, amo at mga anak nito nakaligtas sa bingit ng kamatayan sa Abu Dhabi!

Pinay OFW, amo at mga anak nito nakaligtas sa bingit ng kamatayan sa Abu Dhabi!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel