Rocco Nacino nag-react sa gaffe ni Jolo Revilla na 'bola muna bago droga'

Rocco Nacino nag-react sa gaffe ni Jolo Revilla na 'bola muna bago droga'

- Nagkamaling nakapagsalita si Jolo Revilla ng isang tagline tungkol sa sports at sa paggamit ng droga

- Ito ang naging popular na "bola muna bago droga"

- Marami ang natawa dito at isa na si Rocco Nacino na nag-react

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang interview, nagsasalita si Jolo Revilla tungkol sa sports at a mga taong gumagamit ng droga.

Nais sanang ipaabot ng bise gobernador na mas mabuting ituon ang pansin sa sports kaysa naman sa droga.

Nalaman ng KAMI na sa di inaasahang pagkakataon, nagkamali si Jolo at ang nasabi niya ay "bola muna bago droga."

Siyempre, react kaagad ang mga netizens dito at naging tampulan ito ng tukso, tawa at may iba na ring bumatikos.

Sa mga celebs, isa na rito si Rocco Nacino na nagbigay ng reaksyon.

Deretsahang nag-tweet ang Kapuso actor na, "Bola muna bago droga. Sarap sampalin (laughing emoji)"

Rocco Nacino nag-react sa gaffe ni Jolo Revilla na 'bola muna bago droga'

Rocco Nacino nag-react sa gaffe ni Jolo Revilla na 'bola muna bago droga' (Photo: Twitter via Fashion Pulis)

Hindi naman nag-respond si Jolo sa nasabing ito ni Rocco, pero mga netizens na ang pumanig sa bise gobernador ng Cavite.

Sabi ng mga netizens ay sobrang yabang na raw ni Rocco. Dahil sa tweet niya, nakakita pa ng kakampi si Jolo.

Iba't ibang reaksyon talaga ng mga netizens sa tweet ni Rocco.

Si Rocco Nacino ay dating ex-boyfriend ni Lovi Poe. Ngayon, may pelikulang nagkasamang muli si Lovi at Jolo.

Cool set of exercises that you can do at work to keep fit from our coach Chrystalle - on Kami YouTube channel This video helps you to keep fit even if you're at the desk all day. These are exercises that are simply very easy to follow and do.

Source: Kami.com.ph

Related news
Kalurkey! Nate Alcasid, natuklasan sa internet na kinasal ang daddy sa ninang Michelle niya

Kalurkey! Nate Alcasid, natuklasan sa internet na kinasal ang daddy sa ninang Michelle niya

Kalurkey! Nate Alcasid, natuklasan sa internet na kinasal ang daddy sa ninang Michelle niya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel