7 celeb couples na natagpuan si forever sa set ng pelikula

7 celeb couples na natagpuan si forever sa set ng pelikula

- May mga celebs na nakatagpo ng kanilang mga forever dahil sa pelikulang ginagawa nila

- Karamhan ay sa set na mismo nagka developan

- Matatag ngayon ang kanilang samahan at mukhang ito ay panghabambuhay na talaga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ang mga celeb couples ay iba-iba ang naging daan upang matagpuan nila abg kanilang mga kabiyak o kaya’y mga jowa.

Kung mayroong nagkatagpo dahil sa mga party ng kaibiga , mayroon din namang nagkatagpo dahil sa mga pelikulang ginagawa nila.

May na compile ang KAMI na mga celeb couples na nagkamabutihan sa set at nauwi sa pagmamahalan.

Kristine Hermosa at Oyo Sotto

Unang nagkita sina Mr. and Mrs. Sotto sa taping ng kauna-unahang "Enteng Kabisote." Sa pelikulang ito, si Vic Sotto ang leading man kung kaya't nagkaroon ng chance na magkita sina Kristine at Oyo.

Melai Cantiveros at Jason Francisco

Siyempre, nakita nila ang forever dahil kay Big Brother. Dalawa silang mag-housemates noon kung kaya't di maiwasang mahulog ang loob sa isa't-isa.

Gladys Reyes at Christopher Roxas

Sa set ng Mara Clara nagtagpo ang landas nina Gladys at Christopher. Simula noong naging love team sila noong 90's di na sila nagkahiwalay pa. Ngayon apat na ang chikiting nila.

Iya Villania at Drew Arellano

Bago maging kilalang host si Drew, nag-try muna siyang maging aktor. Naging member siya ng "Click" kung saan din niya nakilala ang asawang si Iya.

Richard Gutierrez at Sarah Lahbati

Bago magkaroon ng anak sina Sarah at Richard, nagsama sila sa "Makapiling Kang Muli." Ito'y isang GMA drama na talagang nagpaantig ng mga puso nila.

Dingdong Dantes at Marian Rivera

Siyempre, dahil ilang projects ang ginawa nina Marian at Dingdong, nagkadevelopan ang mga puso nila. Ngayon sila'y kasal na at may anak na si Zia.

Vic Sotto at Pauleen Luna

Sa Eat Bulaga naman nasilayan ni Vic ang ganda ni Pauleen. Dito na rin nagkamabutihan ng loob at nauwi sa kasalan.

Sila ang mga celebs na malaki ang pasasalamat sa showbiz dahil ito'y naging daan para makita nila ang forever nila!

Cool set of exercises that you can do at work to keep fit from our coach Chrystalle - on Kami YouTube channel This video helps you to keep fit even if you're at the desk all day. These are exercises that are simply very easy to follow and do.

Source: Kami.com.ph

Related news
Kalurkey! Nate Alcasid, natuklasan sa internet na kinasal ang daddy sa ninang Michelle niya

Kalurkey! Nate Alcasid, natuklasan sa internet na kinasal ang daddy sa ninang Michelle niya

Kalurkey! Nate Alcasid, natuklasan sa internet na kinasal ang daddy sa ninang Michelle niya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel