Hindi nagpatinag! Barbie Imperial, pinakita ang kanyang pasa at gasgas sa kanyang Instagram post

Hindi nagpatinag! Barbie Imperial, pinakita ang kanyang pasa at gasgas sa kanyang Instagram post

- Sa gitna ng kontrobersiya at online bashing, hindi nagpatinag si Barbie Imperial

- Nagsimula iyon nang magbahagi siya ng pictures niya na may mga pasa at galos

- Binura man niya ang mga nauna niyang pictures, muli siyang nag post ng picture kasama ang kanyang ina at kitang-kita ang kanyang mga pasa at galos

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging palaisipan sa mga netizens kung paano natamo ni Barbie Imperial ang kanyang mga pasa ngunit dahil na rin sa mga posts niya tungkol sa pananakit ng taong mahal niya, tila alam na ng karamihan kung sino ang tinutukoy nito.

Sa kabila ng pagbahagi niya ng mga litrato ng kanyang mga tinamong gasgas at pasa, kahapon, July 16, muling nagbahagi si Barbie ng litrato kung saan kapansin-pansin ang mga pasa at gasgas sa kanyang braso.

Sa litratong kanyang ibinahagi ay kasama niya ang kanyang inang si Bing Imperial na base sa caption niya ay siyang kinukuhanan umano ng lakas ng loob.

"I am strong because a strong woman raised me. You're all I need mama. I love you. Thank you @imperial_bing." Ito ang kanyang caption na tila nagpapakita na may pinagdadaanan ang dalaga.

Wala mang malinaw na pahayag ang aktres tungkol sa pasa at gasgas niya, hindi maiwasang mabigyan ito ng kahulugan ng Instagram followers ni Barbie.

Sa kanayng Twitter post na kanya na ring binura sinabi ni Barbie na, “Girls, just because mahal mo ang isang tao pero sinasaktan kayo physically, hindi pwedeng patuloy yan.

"HINDI TAMA MANAKIT NG BABAE PHYSICALLY."

Dahil sa si Paul Salas ang nadidiin at tinuturong may kagagawan niyon, ipinagtanggol siya ng isa sa kanyang kaibigan na si Kristoffer Martin.

Pati ang ama ni Paul na si Jim Salas ay tila para sa aktres. "Don't play the victim to circumstances you created."

POPULAR: Read more about Barbie Imperial here

Makeup For A Gym: Stay Awesome While Working Out | on BeKami

A certified makeup artist of MAC Philippines will create several new looks for our amazing coach Crystalle.

Do you want to learn everything about workout makeup? Click “Play” and enjoy the video!

Source: Kami.com.ph

Related news
Kalurkey! Nate Alcasid, natuklasan sa internet na kinasal ang daddy sa ninang Michelle niya

Kalurkey! Nate Alcasid, natuklasan sa internet na kinasal ang daddy sa ninang Michelle niya

Kalurkey! Nate Alcasid, natuklasan sa internet na kinasal ang daddy sa ninang Michelle niya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel