Piolo Pascual, muntik daw lisanin ang showbiz! Inamin din na nagdaan sa mid-life crisis

Piolo Pascual, muntik daw lisanin ang showbiz! Inamin din na nagdaan sa mid-life crisis

- Inamin ni Piolo sa isang interview na dumaan siya sa mid-life crisis nang maging 40 taong gulang ito

- Aniya, sa loob ng 6 na buwan ay hindi malaman ng aktor ang gagawin nito sa buhya kung kaya's piniling magbakasyon muna

- Sa kabila nito, mas naging matataga ang kanyang loob at naging mas bukas ang Kapamilya network sa aktor

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Umamin ang Kapamilya hunk-actor ukol sa kanyang pinagdaanang pagkalito sa gustong gawin nito sa buhay.

Nalaman ng KAMI na matapos magdiwang ng ika-40 kaarawan ang aktor, nakaranas daw ito ng mid-life crisis.

Sa isang panayam sa kanya ng Push at ABS-CBN, inilahad ng aktor na sa loob ng anim na buwan ay hindi niya mawari kung ano pa ba ang nasa future niya. Dagdag pa nito, tila'y nawala na ang aktor ng oras para sa sarili habang siya'y patuloy na nagkaka-edad.

“I wanted to quit before because burnt out, eh, sobrang pagod, wala ka nang oras sa sarili mo. I was turning 40 back then.”

“Iniisip mo kung ano ba ‘yung worth ng buhay mo and I was really going through something that time. Gusto ko lang malaman kung saan ako pupunta, you know."

Binanggit din ni Pascual na maaaring hindi pa rin talaga panahon upang lisanin niya ang showbiz matapos hinid mapayagan ng ABS-CBN network sa kanyang planong paglisan bunsod ng mid-life crisis.

“Hindi ako pinayagan, eh. Hindi ako pinayagan ni Lord. Hindi ako pinayagan ng ABS-CBN.

Pansamantala rin niyang isinantabi ang busy life at hinarap ang pagbabakasyon ng tatlong buwan upang masuri ang kanyang life options.

“So, mahirap din ‘yun, I went through it for six months. It was so hard for me that’s why I went on a vacation for three months just to really see kung ano ang gusto kong gawin sa buhay ko, kung tapos na ba ako sa showbiz.And I realized na hindi pa naman siguro. It was humbling for me to accept the fact na hindi pa ako tapos sa ginagawa ko."

Maaaring bunsod nito'y mas naging maluwag sa kanyang ang network at naging lenient sa kanyang creative ideas at mga proposisyon.

“So, now, hindi na siya (ang mag-quit) sumasagi sa isip ko but I feel more inclined towards doing something else, not just really focusing on acting but also producing and partnering with other, let’s say, ‘yung magagandang pwedeng maging content.

“With ABS-CBN kasi, they are more open now for partnerships in terms of content production and ‘yung mga gusto nating ilabas.

“So mas malaki na ‘yung playing field natin and I’m able to explore more and do more with the given opportunities.”

Si Piolo Jose Pascual ang isa sa mga pinakamalalaking leading men sa Philippine TV series at mga premyadong aktor sa mga box office hit na pelikula ng ABS-CBN at iba pang production houses.

Sa kabilang banda, kami'y nagset-up ng isang nakatutuwang prank kung saan ang isang lalaki ay malakas na ipinaririnig ang mga weird na usapan nila ng kanyang "kausap" sa telepono. Panoorin ang nasabing video sa ibaba. - sa KAMI HumanMeter Channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
2 beses daw pinagbuhatan ng kamay! Janella Salvador admits seeing a psychologist

2 beses daw pinagbuhatan ng kamay! Janella Salvador admits seeing a psychologist

2 beses daw pinagbuhatan ng kamay! Janella Salvador admits seeing a psychologist
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel