Video ng Ateneo Pilipinas players na tumulong sa kalarong Koreano na nasaktan sa court, nag-viral

Video ng Ateneo Pilipinas players na tumulong sa kalarong Koreano na nasaktan sa court, nag-viral

- Viral ngayon ang nakamamanghang ginawang pagtulong ng basketball players ng Ateneo na nakilala na sina Thirdy Ravena at Matt Nieto

- Bagaman at nasa kalabang koponan ang nasaktan, agad na tumulong ang dalawa sa Koreano na kitang kita na nasaktan sa pagkakabagsak nito

- Umani ng iba't ibang reaksyon ang video at karamihan dito ay papuri sa mga Pinoy na basketbolista

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang nakaka-good vibes na maiksing video kung saan makikita na tinulungan nina Thirdy Ravena at Matt Nieto ang isa sa mga players ng Korea na nasaktan sa court.

Nalaman ng KAMI na ito ay naganap sa isa sa kanilang laro sa 2018 Jones Cup.

Bagaman at mula sa kalabang koponan ang Koreano, di nagdalawang isip na tulungan at alalayaan ito ng mga manlalarong Pinoy dahil sa napansin nilang nasaktan talaga ito.

Nakilala ang manlalaro na si Choi Junyong na hindi naman sinasadyang masikmuraan ni Angelo Kouame ang Koreano.

Napalakas marahil ang tama kaya naman napatigil sa sakit ang Koreano.

Napansin ito nina Thirdy Ravena at Matt Nieto at agad nila itong nilapitan para alalayan.

Di naman napigilang maghiwayan ng mga nanonood sa ginawang ito ng dalawang Pinoy na manlalaro.

Nang nakaya pa namang makalakad ni Junyong, kinamayan naman niya si Thirdy bago ito tuluyan maglakad mag-isa patungo sa kanilang bench.

Santala, umani naman ito ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizens at talaga namang naging proud sila sa ginawa ng dalawang Pinoy na manlalaro.

Taliwas daw kasi ito sa naging kontrobersyal na gulo na kinasangkutan ng Gilas Pilipinas at una nang nabalita rin sa KAMI kamakailan.

"Goodmove"

"This is filipino we show respect to those who deserves it. #puso"

"kung kupal ang kalaban dapat patulan. Pero sa eksena na to mukang wala namang sinadyang sakitan"

"Na touched ako sa ginawa ng ateneo player sa pagaalay sa korean player. Keep up the good work ateneans. Its how to play the game not how to win. Good luck"

"Nice..sarap makapanood ng ganito sa loob ng court.."

This awkward phone call leaves a bunch of strangers from the Philippines shocked and surprised. Are you interested to find out what the phone call is about? Awkward Phone Call Public Prank: The Funniest Reactions Ever | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
12-anyos na naturukan ng Dengvaxia, pumanaw; ika-96 na

12-anyos na naturukan ng Dengvaxia, pumanaw; ika-96 na

12-anyos na naturukan ng Dengvaxia, pumanaw; ika-96 na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel