Muling nanaig ang San Miguel Beermen sa best-of-5 semis kontra Alaska Aces

Muling nanaig ang San Miguel Beermen sa best-of-5 semis kontra Alaska Aces

- Muling nasungkit ng San Miguel Beermen ang panalo nito sa best of 5 series kontra Alaska Aces, sa 2-0 lead

- Itinanghal na best player si June Fajardo na humakot ng 21 puntos at 8 rebounds

- Hindi naging sapat ang una't ikalawang quarters para sa Alaska na i-maintain ang sinimulang lamang laban sa SMB

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa second half ng kanilang laro, kahapon, July 16, 2018, ay lumamang ng 11 puntos ang Beermen sa makaraan ang second half na kung saa'y binuhos nila ang lahat at nakamit ang 105-94 laban sa Alaska Aces, sa Araneta Coliseum.

Nalaman ng KAMI na hindi naging madali para sa Beermen ang isang 16-point deficit na muntik nang hindi magpalusot sa kanila 2018 PBA Commissioner's Cup finals.

Si June Fajardo ang tinanghal bilang best player na humakot ng 21 points at 18 rebounds.

Nakapagtala naman ng 23/31 points sa second half, bilang naging defending champion ang San Miguel, si Renaldo Balkman, na siyang nanaig sa laro ng mga kuponan.

Sa first half ng laro, nanunang nagpakitang-gilas ang Alaska Aces nang lumamang ito sa sa SMB na may score na 41-51. Matapos ang third quarter, muling nanaig ang Beermen sa score na 38-22, habang tinatambakan ang Aces.

Mas lalong nakatulong ang mga naging 4 na assist ni Ross na may 16 puntos, habang naisingit pa ni Alex Cabagnot ang 14 puntos, 8 assists, at 4 na steals.

Parehas namang nakapagtala sina Diamon Simpson at Simon Enciso ng 19 puntos habang dinugtungan ni Jeron Teng ng 13 puntos, 3 assists, 3 rebounds, at 3 steals, ngunit ang mga ito'y hindi naging sapat upang maipanalo ng Alaska Aces ang 41-25 na sinimulan sa second quarter.

Tingnan ang mga naging iskor:

- San Miguel (105): Balkman 31, Fajardo 21, Ross 16, Cabagnot 14, Lassiter 8, Santos 5, Nabong 5, Heruela 3, Standhardinger 2

- Per Quarter: 18-29, 41-52, 79-74, 105-94

- Alaska (94): Simpson 19, Enciso 19, Manuel 15, Teng 13, Casio 12, Thoss 6, Cruz 5, Galliguez 3, Racal 2, Exciminiano 0, Baclao 0

Mapapanood ang ikatlong laban sa parehong venue, Arenta Coliseum, sa Miyerkules, July 18.

ALAMIN: Mga lugar na walang pasok ngayong Martes, July 17, 2018

Samantala, ang lalaking ito ay makikitang naglalakad sa kalye discussing habang malakas ang boses na nakikipag-usap sa cellphone. Kung paano nag-react ang mga tao, alamin sa video sa ibaba - sa KAMI HumanMeter Channel:

Source: Kami.com.ph

Related news
Pamilyang Pinoy, naipit sa isang department store shootout sa Las Vegas!

Pamilyang Pinoy, naipit sa isang department store shootout sa Las Vegas!

Pamilyang Pinoy, naipit sa isang department store shootout sa Las Vegas!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel