Neri Naig, pinuri ng todo si Kris Aquino sa social media; Kris, may bonggang alok naman kay Neri

Neri Naig, pinuri ng todo si Kris Aquino sa social media; Kris, may bonggang alok naman kay Neri

- Nagpost sa social media si Neri Naig ukol kay Kris Aquino

- Pinuri ni Neri si Kris bilang isang artista, ina at businesswoman

- Dahil dito, nagpasalamat sa kaniya si Kris at nagbigay pa ng alok sa kaniya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nag-viral ang post ni Neri Naig sa Instagram ukol kay Kris Aquino.

Nalaman ng KAMI na pinuri pala ni Neri si Kris bilang isang artista, ina at businesswoman.

Pinuna naman ni Neri ang mga taong nakikinabang noon sa Queen of All Media na nang-iwan na sa kaniya matapos siyang mawala sa ABS-CBN at matapos mawala sa kapangyarihan ang kuya niyang si Noynoy Aquino, na dating Pangulo ng Pilipinas.

“marami akong naririnig na mabait siyang boss at matulungin siya. Pero yung ibang natulungan niya, tinalikuran na lang siya at parang hindi na siya kilala,” sabi ni Neri.

Nagkomento naman ukol dito si Kris. Nagpasalamat siya kay Neri dahil sa sweet na mensahe nito at inimbita rin niya ito na pumunta sa buhay niya kahit kailan kung may kailangang damit at sapatos sa formal event.

Ayon kasi sa post ni Neri, pangarap niyang may magpahiram sa kaniya ng magagarang damit at sapatos noong artista pa siya.

Neri Naig, pinuri ng todo si Kris Aquino sa social media; Kris, may bonggang alok naman kay Neri

Screenshot from Fashion Pulis

Sa nakaraang report ng KAMI, napabalitang lumalalim na ang pagkakaibigan ni Kris at ni Attorney Gideon Peña.

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ng former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

POPULAR: Read more news about Kris Aquino here!

This awkward phone call leaves a bunch of strangers from the Philippines shocked and surprised. Are you interested to find out what the phone call is about? How come these strangers are so shocked after hearing it? This video presents the reactions of many strangers after hearing what the man is talking about on the phone. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Kalurkey! Nate Alcasid, natuklasan sa internet na kinasal ang daddy sa ninang Michelle niya

Kalurkey! Nate Alcasid, natuklasan sa internet na kinasal ang daddy sa ninang Michelle niya

Kalurkey! Nate Alcasid, natuklasan sa internet na kinasal ang daddy sa ninang Michelle niya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel