'Cute girl' sa fast food, umorder ng maayos na pagkain para sa matandang nagtitinda ng basahan

'Cute girl' sa fast food, umorder ng maayos na pagkain para sa matandang nagtitinda ng basahan

- Viral ngayon ang larawan ng babaeng nakilala na si Freshel Arra Acut sa labas ng fast food chain na nagbigay ng maayos na pagkain sa isang matandang babae

- Di akalain ng kumuha ng larawan na gagawin ito ng babae dahil akala lamang nito na may hinihintay itong nobyo kaya para sa dalawang tao ang pagkain na na-order nito

- Umani ng iba't ibang reaksyon ang post na ito at karamihan ay nagsasabing sana dumami pa ang tulad ng babae na may malasakit parin sa kanyang kapwa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang video at larawan ng facebook user na si Jason Jon Andres Tizon kung saan nakunan niya ang isang babae sa labas ng Jollibee na nagpapakain sa di niya kilala.

Nalaman ng KAMI na nagmalasakit ang babae sa isang matanda na nagtitinda ng basahan sa labas mismo ng kainan.

Ayon pa kay Jason may itsura ang babae at nilarawan niya ito na 'cute girl'. Inakala pa niyang naghihintay ito sa kanyang boyfriend. Naobserbahan kasi ni Jason na sobra ang pagkain na in-order ng babae.

Iyon pala ay binilhan niya ng pagkain ang matandang babae na nasa labas lamang ng Jollibee na nagbebenta ng basahan.

Sabi pa ng nag-post, dapat lamang daw na tularan si 'ate' at sa 'munting' bagay na nagawa niya para sa matanda.

Sa post at komento ng mga netizen, nakilala ang babae na si Freshel Arra Acut.

Samantala, umani naman ng iba't ibang reaksyon ang post na karamihan ay papuri sa ginawa ng babae.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"You're so blessed because of your great heart..I salute u, ma'am"

"Pretty inside and out. Kudos!"

"Saludo po ako sayo maam at kay Lola. Minsan ko na din po siyang tinulongan sa JRS. Dapat kang tularan lola. We love you"

"Good girl..good samaritan godbless u Freshel Arra Acut.."

"ang bait ni ate girl.. sna lhat gnyan kabait..."

This video presents the reactions of many strangers after hearing what the man is talking about on the phone. How would you react if you were one of these individuals? Awkward Phone Call Public Prank: The Funniest Reactions Ever | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
12-anyos na naturukan ng Dengvaxia, pumanaw; ika-96 na

12-anyos na naturukan ng Dengvaxia, pumanaw; ika-96 na

12-anyos na naturukan ng Dengvaxia, pumanaw; ika-96 na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel