Alamin: Bakit at paano sumisipsip ng dugo ang mga nakamamatay na lamok

Alamin: Bakit at paano sumisipsip ng dugo ang mga nakamamatay na lamok

- Ang mga lamok ay likas na sumisipsip ng katas ng prutas at dugo ng tao

- Mayroong mga uri ng lamok na nakatalaga lamang upang sumispsip ng dugo ng tao

- Sa kanilang angking kakayahan, nagagamit nila ang mga sikretong karayom upang makapanispsip ng dugo sa ating mga ugat

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Alam ng lahat kung gaano kalaki ang dalang panganib ng bawat kagat ng lamok sa ating mga katawan. Sa liit ng kanilang pisikal na kaanyuan, tiyak ay hindi kaagad natin alam kung anong uri ng lamok ang dumadapo sa ating balat. At mas ikagugulat pa ninyo ang proseso nang pagsipsip ng mga ito ng dugo

Una, bakit nga ba kailangan ng mga lamok ang ating dugo?

Nalaman ng KAMI na sumisipsip ang mga lamok ng dugo ng tao hindi dahil ito'y kagustuhan lamang nila, kundi ito'y mahalaga upang makapangitlog sila.

Tanong: Ibig-sabihin, mga babaeng lamok lang ba ang kumakagat sa tao? Ayon sa National Geographic, tanging mga babaeng lamok lamang ang nangangailangan ng dugo ng tao dahil sa protinang dala ng ating dugo na mahalaga para mapabilis ang kanilang pagpaparami.At dahil higit sa 300 itlog ang kanilang kailangan ilabas, hindi nakapagtataka na marami ang kailangan nitong sipsipin. Bukod sa dugo, ang mga lamok ay likas na sumisipsip din ng katas ng mga prutas at bulaklak.

Sa isang video mula sa DEEP LOOK, kinunan naman nila kung papaanong nagagawa ng mga babaeng lamok ang paninipsip sa ating dugo at ang nagaganap sa ilalim ng balat hanggang blood vessels.

Tanong: totoo bang kagat ang ginagawa ng mga lamok sa ating balat upang makalikom ng dugo?

Kung sa unang tingin ay simpleng paggamit lamang ng isang mistulang tubo na tinatawag na proboscis ang ginagawa upang makahigop ng dugo. Subalit ito'y natatakpan ng isang protective layer o panakip sa 6 na nakatagong karayom! Dalawang unang karayom ang ginagamit upang bumutas sa kanilang napiling bahagi ng pagkukunan ng dugo.

Ang sumunod na dalawang karayom ang siyang nagsisilbing pambanat sa laman at balat na kanilang target. Ang ika-limang karayom ay ang nagsisilbing receptor o tagasuri kung saan ang pinakamalapit na ugat o blood vessel. Ito rin ang ginagamit nila na mistulang straw na panghigop ng dugo.

Ang panghuli at ika-anim na karayom ang siyang ginagamit upang mag-iwan ng mga kemikal sa ating dugo na sanhi ng pamamantal, at kung minsa'y may kasamang nakamamatay na virus mula sa tatlong uri ng babaeng lamok.

Narito ang buong video kung paano sumisipsip ng dugo ang mga lamok:

Narito naman ang tatlong uri ng lamok:

1.) Lamok na Dengue (aedes aegypti) - ito ang nagiging sanhi ng mga nakamamatay na sakit tulad ng dengue, Chikungunya, at zika

2.) Lamok na Malaria (Anopheles gambiae) - ito ang isa pang uri ng babaeng lamok na pinagmumulan ng malaria virus na madalas nakukuha sa mga magugubat at masusukal na kapaligiran

3.) Lamok na Culex (Culex pipiens) - karaniwang nakukuha sa lamok na ito ang West Nile virus disease

Upang makaiwas sa mga nakamamatay na lamok, huwag ugaliin ang pag-iimbak ng tubig sa mga tago at maruruming lugar. Itapon ang mga natitirang tubig na sa paso, baso, at iba pang pinaglagyan ng tubig. Panatilihing malinis ang paligid, sa loob at labas ng tahanan. Mag-spray ng insecticidal formulas na nabibili sa grocery stores. At higit sa lahat ay umiwas sa mga lugar na maaaring pamahayan ng lamok.

ALAMIN: Mga lugar na walang pasok ngayong Martes, July 17, 2018

Samantala, ang lalaking ito ay makikitang naglalakad sa kalye discussing habang malakas ang boses na nakikipag-usap sa cellphone. Kung paano nag-react ang mga tao, alamin sa video sa ibaba - sa KAMI HumanMeter Channel:

Source: Kami.com.ph

Related news
Top 13 Pinoy celebs na nag-umpisa sa showbiz bilang dancers

Top 13 Pinoy celebs na nag-umpisa sa showbiz bilang dancers

Top 13 Pinoy celebs na nag-umpisa sa showbiz bilang dancers
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel