Then and now! Silipin at kilalanin ang mga anak nina Jinkee at Manny Pacquiao

Then and now! Silipin at kilalanin ang mga anak nina Jinkee at Manny Pacquiao

- Simula nang kinasal sina Jinkee at Manny Pacquiao noong 2010, nakagawa na sila ng isang magandang at malaking pamilya

- Ngayon, mayroon na silang limang mga anak, at atin naman nakikita ang paglaki ng kanilang mga anak dahil na din sa pagbahagi nilang dalawa sa kanilang mga tagahanga

- Kaya ting silipin ang kanilang limang mga anak at kilalanin sila sa pamamagitan ng mga litrato nila noon at ngayon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Unang naispatan namin ito sa Nobble Drift.

Ngayon, ay iisa-isahin ng KAMI ang limang anak nina Jinkee at Manny Pacquiao.

Emmanuel Pacquiao, Jr

Si Emmanuel o tinatawag ding Jemuel ay ang panganay na anak ng mag-asawa.

Pinanganak umano noong 2000 at kauna-unahang anak na lalaki ng pinakasikat na boksingerong Filipino.

Hindi man sila pinayagan na maging boksingero pero nabigyan din ng pagkakataon na maging isang modelo.

Ang unang endorsement niya ay noong May 2016 at proud na proud naman sina Jinkee at Manny.

Michael Stephen Pacquiao

Ang pangalawang anak nina Jinkee at Manny ay si Michael at pinanganak daw siya noong December 12, 2001.

Mahilig daw ito sa musika at magaling tumugtug ng piano.

At matalino din, noong Pebrero ay binalita na nagwagi lang naman ito ng ikalawang pwesto sa National Battale of Science and Math Champions na ginanap umano sa Cavite City noong January 26-27, 2018.

Mary Divine Grace Pacquiao

Ang ikatlong anak nina Jinkee at Manny Pacquiao ay si Mary Divine Grace na isinilang umano noong 2006.

Princess ang palayaw niya, at ayon pa sa kwento, nakilala daw ang batang ito nang sinabi niya, and we quote.

“praying makes us stronger and brings us closer together”

Ito daw ay noong tinanong siya tungkol sa core values ng kanilang pamilya.

Talaga namang masasabi natin na talagang nagtrabaho ang mag-asawa ng maigi sa papapalaki ng kanilang mga anak.

Ang ikaapat nilang anay ay si Queen Elizabeth Pacquiao na sinilang umano noong Disyembre ng 2008.

Isang napakaswerte na taon para kay Manny Pacquiao ang taong ito dahil pinanalo niya ang tatalong malaking laro.

Ngayon, ay malaki na si Queen at gumaganda lalo na mga bata pati ang ate Princess niya.

Israel Pacquiao

Pinanganak ang pinakabunso noong Abril 2014.

Ayon pa sa balita, pinangalanan daw siya after sa Holy Land kung saan sinilang si Jesus Christ.

Masasabing nagbibigay inspirasyon kay Manny Pacquiao ang kanyang mga anak sa mga laban niya sa ring.

Sa ibang bahagi, narito ang isang bagong bibong social experiment ng aming grupo sa ating mga kababayan.

Ano ang nakikita ninyo?

Watch more makeup tutorials and fitness routine videos on BeKami YouTube channel here

Source: Kami.com.ph

Related news
A second chance: Three government officials who were arrested and now back in service

A second chance: Three government officials who were arrested and now back in service

A second chance: Three government officials who were arrested and now back in service
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel