9 female celebs na namulat sa buhay-mayaman!

9 female celebs na namulat sa buhay-mayaman!

- May mga celebrities na talagang kumayod nang husto para lamang magkaroon ng milyones sa bangko o makapagpundar ng bahay

- Meron namang mga celebs na di na kailangang sumabak sa showbiz para lamang magkapaera

- Kilalanin kung sino ang siyam na mga female celebs na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maraming celebs ang talagang proud sa kanilang mga "rags to riches" na kuwento. Kumbaga, naging daan sa tagumpay nila ang kanilang pagpasok sa showbiz. Kabilang na dito sina Pokwang, Coco Martin, Richard Gomez at Jericho Rosales.

Pero meron ding mga celebs na pumasok sa showbiz hindi dahil sa kailangan nila ng pera, pero dahil ito talaga'y kinahiligan nila.

Sila ang mga napagtanto ng KAMI na mga celebs na ipinanganak na madadatung na ang mga pamilya. Di na nila kailangang mag-showbiz para lang kumita.

Heart Evangelista

Talagang mauuna sa listahan si Heart Evangelista. Ang mga Ongpauco's ay kilalang mayayaman. Tagapagmana siya ng restaurant chains ng pamilya niya. Kung nakakain ka na sa Barrio Fiesta, ayan, kay Heart iyan!

Sunshine Dizon

Si Sunshine Dizon ay di rin kailangang mag-showbiz para kumita. Isang movie producer ang mommy niya. Ang tatay naman niya ay manager ng isang casino sa Amerika.

Denise Laurel

Kung maaalala mo, isa sa mga presidente ng Pilipinas ay si Jose P. Laurel. Ayan, si Denise ay great-granddaughter ng former president ng Pinas. Kaya tingnan mo, matapang at matatag si Denise!

Solenn Heussaff

Kung may artistang hindi na kailangang magpuyat, si Solenn na iyan. Alam niyo bang isang petroleum magnate sa France ang ama niyan. Kaya sila ni Erwan, naku, di kailangang mag-showbiz.

Maine Mendoza

Yaya Dub nga si Maine, pero sa tunay na buhay, siguro masasabing "yaya's girl" (Malamang sa yaman nila may yaya siya). Ang pamilya ni Maine ay nagmamay-ari ng malalaking franchises ng fast food at may gasolinahan din sila.

Mikee Cojuangco

Siyempre, si Mikee Cojuangco ay pamangkin ni late President Cory Cojuangco-Aquino. Siya ang anak ni Peping Cojuangco na saksakan din ng yaman.

Ellen Adarna

Di maikakailang prinsesa si Ellen Adarna. Yayamanin ang pamilya ni Ellen sa Cebu. Nagmamay-ari sila ng hotel at ng construction business.

Beauty Gonzalez

Bago pa man sumali sa PBB si Beauty, isa siyang certified haciendera. Malalaki ang lupain nila sa Dumaguete, Negros Oriental.

Kris Aquino

Obviously, mayaman si Tetay. Anak ng dating presidente na nagmamay-ari ng napakalaking lupain. Kahit di siya mag-host o mag-acting, talaga namang kaya niyang buhayin mga anak niya.

Ayan ang siyam na mga female celebs na talagang maraming pera kahit di mag-artista.

Cool set of exercises that you can do at work to keep fit from our coach Chrystalle - on Kami YouTube channel This video helps you to keep fit even if you're at the desk all day. These are exercises that are simply very easy to follow and do.

Source: Kami.com.ph

Related news
Honesty store at PNP Manila office gets robbed by 'dishonest' patrons

Honesty store at PNP Manila office gets robbed by 'dishonest' patrons

Honesty store at PNP Manila office gets robbed by 'dishonest' patrons
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel