Mga tweet ng isang estudyante tungkol sa diumano ay pang-aabuso sa kanya ng kanyang boyfriend, nag-viral

Mga tweet ng isang estudyante tungkol sa diumano ay pang-aabuso sa kanya ng kanyang boyfriend, nag-viral

- Nag-viral ang mga tweet ng netizen na si Kim o Diane Kimberly kung saan unti unti niyang binanahagi ang kanyang madilim na karanasan sa dating nobyo

- Buong tapang nilahad ni Kim ang hirap na kanyang dinanas sa kamay ng dati niyang nobyo kung saan nagkaroon siya ng severe hematoma, chest trauma at hirap sa paghinga

- Kalaunan, nagmakaawa pa ang dating boyfriend ni Kim na huwag nang palakihin ang issue at hayaan na lamang daw dumating ang kanyang karma at mabulo sa impyerno

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di gaya ng ibang Pinay na walang tapang ng ilahad ang katotohanan, sa pamamagitan gn kanyang twitter, di na napigilan ng isang netizen na si Kim o Diane Kimberly na isiwalat ang matinding pang-aabusong pisikal na ginagawa sa kanya noong ng dating nobyo.

Nalaman ng KAMI na sunod sunod na mga tweet ni Kim ang nag-viral dahil sa pagdedetalye niya ng mga sitwasyon kung saan dinanas niya ang matinding hirap sa kamay ng dating nobyo.

Sinimulan niya ang tweet na ito:

Nais lamang ipaalam ni Kim sa kapwa niya kababaihan na nakararanas ng ganitong mapang-abusong nobyo na wala dapt silang ikatakot na magsabi ng katotohanan.

Nagsimula daw ito sa tinatawag na 'emotional abuse'

Nagsimula daw ito sa maliit na mga away kung saan masasakit na mga salita lamang daw noon ang kanyang natatamo hanggang sa nauwi na sa pisikal na pananakit.

Hanggang sa naging kalakaran na ng kanyang nobyo ang pananakit at natuto nang magsinungaling sa kanyang pamilya at sa kanyang mga kaibigan.

Ngunit ang di raw makakimutan ni Kim ay nang magkaroon na siya ng matitinding tama ng pasa at chest trauma kaya naman nahhirapan siyang makahinga.

Kalaunan, nagmakaawa ang dating nobyo na huwag na sana daw itong palakihin pa at hayaan na lamang daw siya makarma o masunog sa impyerno na alam daw naman niyang mangyayari dahil sa mga kasalanang nagawa niya.

This awkward phone call leaves a bunch of strangers from the Philippines shocked and surprised. Are you interested to find out what the phone call is about? Awkward Phone Call Public Prank: The Funniest Reactions Ever | HumanMeter on KAMI youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Kalurkey! Nate Alcasid, natuklasan sa internet na kinasal ang daddy sa ninang Michelle niya

Kalurkey! Nate Alcasid, natuklasan sa internet na kinasal ang daddy sa ninang Michelle niya

Kalurkey! Nate Alcasid, natuklasan sa internet na kinasal ang daddy sa ninang Michelle niya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel